Total Pageviews

Sunday, September 30, 2012

Mga Laru-Larong Bata

4Play
Produksyon: Tanghalang Ateneo
Direksyon at Mandudula: Jandee Chua (“Manos”), Zye Carlos (“The Void”), Charles Yee (“Penitensya”) at Christopher Aronson (“Untitled”)
Mga Nagsiganap: Tanghalang Ateneo trainees

Curiosity ang nagtulak sa akin upang galugarin ang Fine Arts Annex sa Ateneo kahit maulan n’ung araw na ‘yun. Dalawang manong guard ang napagtanungan ko at tila pareho silang naliligaw sa pagbibigay ng instructions. N’ung nakita ko ang lugar, naisip ko, sana sinabi na lang nila na malapit sa Manang’s at mas madali ko siguro itong natagpuan. At kamukha ng paghahanap ng theater venue na una ko pa lang mapapanooran, ang mga dulang itinanghal ay kasing donselya ng experience.

Halata at nangingibabaw ang pagkabagito ng mga ipinalabas. Nakakatuwa lang na sa pagkahilaw ng mga ito ay makikitaan mo na ng ibubuga. Sa apat, pinakagusto ko ang “The Void” na hinalaw mula sa “The Silence” ni Haruki Murakami. Para sa akin, na-optimize ng mandudula ang naka-allot na 30 minuto para makapagkuwento sa pinakamadulang paraan. Gusto ko ‘yung pagkakagamit ng espasyo, ang blocking nito, ang eksakto at kontroladong pagganap, ang mga hinihinging katahimikan at ilang estilong Noh. Lumutang ang limitation ng short story material dahil hindi masyadong natahi ang resolution nito, o baka hindi lang masyadong maliwanag ang nangyaring transition. Ganoon pa man, nakuha pa rin ako nito.

May konting kalabit din ang huling akto ng “Manos”. Naiingayan lang ako sa umpisa at ang pag-arte ay medyo nag-uumapaw kesa sa inaasahan. Nakakaaliw ‘yung breather n’ung dalawang karakter na medyo discriminating dahil sila lang ang nagsasalita sa Filipino. May gusto kayang sabihin ang dula tungkol sa social classes o sa pagitan ng mga elitistang mandudula at mga maliliit na trabahador?

Para sa hapong iyon, wala akong masyadong pasensya (at hihingi ako ng paumanhin dito) sa mga dulang masyadong abstract. Ang take ko, kapag maiksi ang running time, may tendency na “dayain” ng mandudula ang oras at daanin na lang sa mga bagay na hindi konkreto upang maitawid ito. Ganito ang impresyon ko sa “Penitensya” at “Untitled”. Physically at emotionally draining man ang “Penitensya” at masasabi kong mahusay ang ilan sa mga nagsiganap dito, nawala ako sa context nito. Maliban sa paulit-ulit na pagyayabang na artista ang isang karakter, ni hindi ito nagbigay ng karagdagang clue kung nasaan sila. Masyadong exhibitionist ito na idinaan sa mga pag-arte na bumibirit pero parang wala namang natirang relevance o value. Kung teknikal ang pag-uusapan, ‘yung “Untitled” na siguro ang pinakamakinang sa apat. Meron itong precision at mataas ang antas ng stage design. ‘Yun nga lang, wala rin akong napulot na wisyo mula rito.

Bibigyan ko lang ng diin na handa ako sa mga laru-larong bata nang mapanood ko ang 4Play. Umaasa ako sa mga karupukan nito at umaasa rin ako na may ilang aspeto akong magugustuhan at aabangan kapag sumabak na ang mga trainees sa Tanghalang Ateneo. Kung papatulan ko ang gimik sa titulong ito ng koleksyon ng mga dula, puwedeng puwede na silang tumuloy sa sex proper (kung meron mang ganitong kataga).

Saturday, September 29, 2012

Ang Hapdi na Dulot ng Pagsisiyasat

Ang larawan ay kinuha mula sa clickthecity.com

Joe: A Filipino Rockssical
Produksyon: Philippine Stagers Foundation
Direksyon at Libretto: Vincent Tañada
Musika: Pipo Cifra
Mga Nagsiganap: Patrick Libao, Vincent Tañada, Cindy Liper, Jordan Ladra, Kierwin Larena, Adelle Ibarrientos, Chris Lim, Gabby Bautista, Monique Azerreda, atbp.

Nabitbit ako ng dula sa unang eksena pa lang. Walang malaking number, walang overture at walang matayog na sayawan. Isang Josephine Bracken (Monique Azerreda) ang tila ligaw na kaluluwa ang umaawit ng chant mula sa kawalan. Multo ba s’ya? Hindi natin alam. Siguro s’ya ay nangungulila sa isang oblivion o sadyang hindi lang mapanatag. Para sa akin, dito pa lang, naipinta na ng rockssical (pinagsamang rock at classical, na akala ko n’ung una ay rock at musical na dalawa ang “s”) ang hinihinging pagsisiyasat mula sa mga manonood.

At hindi ito banayad na pagsisiyasat. Complex ang mga punto na inilatag ng dula at ang ilan dito ay kailanman hindi na yata sasayad sa mga kanto ng silid-aralan. Ang unang bahagi ay naganap sa isang elementary school na nakapangalan sa ating National Hero (Rizal Integrated School). Upang mas maliwanag ang argumento, binigyan ng isang proyekto ang mga bata upang magtanghal ng dula ayon sa buhay ni Jose Rizal mismo. Dito natin nakilala ang mga pangunahing karakter na sina Joecas (Vincent Tañada), Joanne (Cindy Liper), Hunter (Jordan Ladra), Bimbo (Kierwin Larena), Julia (Adelle Ibarrientos) at Ambo(Chris Lim) na lahat inartehan (at binihisan) na parang bata ng mga Stagers.

Walang masyadong laman ang dulang nabuo ng mga bata (considering na sila ang mga pambato ng klase). Sa unang puntong ito, nagbigay na agad ng statement tungkol sa kung gaano kababaw o ka-trivial ang ating pang-unawa sa ating Pambansang Bayani. Marami tayong eskuwelahan na nakapangalan kay Rizal pero nasa-saturate na tayo sa dami nito upang silipin at siliping muli ang nagawa n’ya at kung bakit tayo nakarating sa kasalukuyang estado ng bansa, progresibo man o hindi. Kamukha ng komentaryo ni Mike de Leon sa “Bayaning Third World”, nasa barya rin si Rizal, nasa posporo, nasa mga kalye at hindi ako magugulat na magkakaroon ng condom na nakapangalan sa kanya. Ang tanong na lang ay kung gaano kaepektibo ang mga ganitong reminder upang tayo ay maging mabuting Pilipino.

Ang pagtatanghal ng dulang nabuo ng mga bata ang nagdikta sa kung ano ang kinahinatnan nila nang tumanda. Ang central character na si Joecas, na isa nang tanyag na mandudula at kasintahan ng historian na ngayon na si Joanne (na naagaw mula kay Hunter n’ung bata pa sila) ang naatasang gumawa ng dula para sa ika-150 na kaarawan ni Rizal. Mula rito ay in-assemble muli ang dating grupo upang maglaan ng panahon at talent para sa isa na namang dula. Sa loob ng isang bahay, na paminsan-minsan ay merong touches ng Pinoy Big Brother, dito itinahi ang pagkilala ng mga karakter sa kanilang sarili at ang mga naunsyaming isyu n’ung sila ay mga bata pa. Sa pagitan ng mga talastasan sa loob ng bahay, nagpapakita ang multo ni Rizal (Patrick Libao) sa batang ampon ni Hunter na si Turing (Gabby Bautista). Sa tulong ng devise na ito ng pagsasadula, ibinalik sa audience ang iba’t ibang igting ng tanong, mula sa sexuality ni Rizal hanggang sa maugong na usapin ng kanyang retraction.

Sa ikalawang punto namang ito, nagkaroon ng breather tungkol sa totoong subject. Nag-focus ang dula sa growth (o pagkabansot, sa kaso ni Joecas na nilamon na ng sistema) na maaaring magawa ng panahon sa atin. Kung tutuusin, ang mga ideyalismo n’ung grade school ay hindi na masyadong evident kapag naging adult na. Tinulay rin nito ang ilang values tungkol sa pakikisama, maling panghuhusga ng kapwa at ang tila walang katapusang espasyo para sa pagbabago at pagtanggap. On the side, napaka-personal ng bahaging ito ng dula para sa direktor-mandudula nito na si Vincent Tañada. Halimbawa, medyo unusual ‘yung pagkakataon na titira sa isang bahay ang lahat ng think tank, mula sa choreographer hanggang sa costume designer, para lang makabuo ng dula. Magkakaroon lang ito ng bendisyon kapag nakarating ka na sa PSF Studio sa Sta. Mesa at makikita mo ang ilang palapag ng gusali na nakalaan para sa mga Stagers. May ilang komentaryo rin dito tungkol sa practice ng ilang theater group sa bansa, kung hindi pa man sapat ang hardhitting na Director’s Note sa playbill.

Ang ikatlo at huling punto ay tinalakay sa direktang pagkakadikit ng kapalaran nina Joecas at ni Rizal. Signature na sa mga produksyon ng PSF ang mga ganitong ensayo at sa tingin ko ay nanatili itong relevant. Kinakailangang isakripisyo ni Joecas ang kasintahang si Joanne upang lubos na makahulagpos mula sa sistema samantalang si Rizal, ayon sa stand ng dula, ay kinakailangan ding pakawalan ang pagkakaugnay kay Josephine Bracken para sa kasarinlan ng bayan.

Ito ‘yung pagkakataon na hinihiling ko na sana ay nakatutok ang mga batang manonood dahil una, humahaba na ang dula at ikalawa, ang tema ay sensitibo at kinakailangan ng isang bukas na diwa. Kung ang pelikula ni Mike de Leon ay nagbagsak ng isang malaking tanong na tila isang troso na humarang sa kalye, nagbigay naman ng sagot ang dula tungkol sa retraction ni Rizal. Mahalaga ito dahil ito ang sangkap na bubuo sa ambisyosong pagtingin natin sa pagkabayani, sa malawakang scope man o maging sa pansarili at sa pang-araw-araw. Sana’y magkaroon ng ekstensibong diskusyon ang mga bata pagbalik sa kanilang classroom at sana’y maigiya sila ng kanilang guro sa obhetibong talakayan kahit na medyo taboo ang topic.

Kailangan kong aminin na nakaka-nosebleed ang mga layer na tinahak ng dula. Marami itong gustong sabihin. At some point, parang tubig na lang sa ilog ang entertainment factor nito na hahayaan mong dumaloy dahil may ilang mas importanteng elemento ang kailangang pagtuunan ng pansin. Ganoon pa man, hindi ko makakalimutan ‘yung “Why, Love, Why” dahil pinandigan nito ang “rock” sa “rockssical”. Napaka-campy pa n’ung number dahil ito ‘yung sa isang iglap ay may bitbit na gitara ang mga bida. Mas mainam sana kung mas marami pang kanta ang nasa ganitong klase ng areglo dahil hiyang dito, halimbawa, ang boses ni Vincent Tañada. Gusto ko rin ‘yung kapirasong choreography na tila isang taong binaril sa likod kapag nasasambit si Rizal. Tulad ng inaasahan, wala pa rin akong masabi sa dedikasyon ng cast at production staff nito upang makapaghatid ng dulang madaling maabot.

Sana ay humaba pa ang run ng rockssical na ito. Mas marami pa sana ang makanood at lumabas ng teatro na may kadikit na tanong at karampatang pagsisiyasat sa utak. Sa dulo, mahirap mabuhay na nakalatag lang parati ang mga bagay-bagay. Kailangan nating magtanong at kailangan nating maging mas vigilant. Kamukha ni Rizal, nag-ugat lang din naman ang lahat sa kanyang pagtatanong kung bakit naiipit ang bayan sa mababang uri ng pamamalakad. At sana’y katulad n’ya, handa tayong isakripisyo ang sarili upang makarating sa sagot kahit na gaano pa ito kahapdi, kamukha ng gamugamong handang matupok ang pakpak sa apoy upang masilayan ang liwanag.

Wednesday, September 26, 2012

Nakamamatay ang Hindi Pagtawid

Ped Xing: Tatawid ka ba Kahit Nakamamatay?
Produksyon: The UP Repertory Company
Direksyon: Justine Martinez
Mandudula: The UP Repertory Company Pool of Writers
Mga Nagsiganap: Serville James Soriano, Angelo Buligan, Lorenzo Valentino III, Chyrene Moncada, Lei Lois Azarcon, Maria Zarena Rivera, atbp.

Ang una kong impresyon ay napaka-discriminating ng dula. Nangangamoy iskwater (sa kawalan ng tamang salita) ang produksyon. Dugyot ang stage set na parang nasa isang tsipipay na beerhouse sa Cubao. Crowded din ang stage. Kulang na lang ay ang busina ng jeep at para ka nang na-transport sa isang lugar na tingin ko ay ayaw mong marating kung nasanay ka sa kaalwanan. Ang mga ginamit na awit ay mula sa mga Tagalized na bersyon ng mga pop songs bilang reference sa level ng music appreciation na hinihingi ng milieu.

Kung hindi ka sanay sa ganitong klase ng atmosphere, hindi ka talaga mangangahas na tumawid. Pero kapag nakuha mo ang wit, halimbawa ng spoof ng “Cell Block Tango” mula sa musical na “Chicago”, habang pinalitan ang lyrics ng “makina”, “lipstick” at iba pa, madali na itong masakyan. Sa katunayan, at some point, nakakalunod na ang pop culture reference dahil walang tigil na ipaparamdam ito ng dula. Nariyang naging interactive ito sa paglilitanya ng isang karakter sa mga cultic na pick-up line at nariyang tahasang inilagay ang isang mangkok ng pancit canton sa ulo ng isa sa mga bidang si Charice Pempera.

Lousy rin ang pagkaka-execute ng tula-dula (o ‘yung konsepto ng merong nagda-dub at merong naga-act out). Parang isang barkadang lasing ang nakaisip gumawa ng produksyon at ito ang kinahinatnan. Sa kabilang dako, bagama’t hindi deliberate at bagama’t laban sa nakasanayang disiplina ng teatro, natatanggal ang wall sa pagitan ng audience at performer. Gumagana ang mga ganitong devise kung merong agenda at nais masiguro na makakarating ito sa target audience.

Kapag hinubaran natin ito ng ingay at amoy, simple lang ang gustong tahakin ng dula. Gusto nitong patayin natin ang korupsyon. Hindi man sa paraan na naisip ng batang si Charice (Lei Lois Azarcon), ng iskolar na si Mackie Solido (Serville James Soriano na enigmatic sa kanyang nag-uumapaw na husay sa pagsayaw), ang trabahador na si Cesar Mongago (Angelo Buligan na napaniwala ako sa kanyang pagiging everyday Juan), ang bading na si Gardo Bersola (Lorenzo Valentino III) at ang nanay na si Yna Imbernabeh (Chyrene Moncada na gustong gusto ko ang timing) nang pangtangkaan nila ang buhay ng kurakot na city mayor (Maria Zarena Rivera na napaka-versatile at game), pero sa isang bagay na paglalaanan talaga natin ng effort kamukha ng pagtawid sa pedestrian crossing kahit na delikado ito. Sa dulo, wala naman tayong nais landasin sa pagpatay ng korupsyon kung hindi ang aandap-andap na idea na mawala ang kahirapan sa bansa.

At dito na nagme-make sense ang discrimination na naramdaman ko nang mapanood ito. Siguro, kung hindi ako naantig, ibig sabihin lang, wala ako sa boxing ring ng kahirapan. Ang punto ko, ang gusto talagang kausapin ng dula ay ‘yung mga taong nakaka-appreciate ng Tagalized version ng awit ni Lady Gaga o ng walang kamatayang dance moves ng Oppa Gangnam Style upang magkaroon sila ng giya sa tamang pagtawid kahit nakamamatay man ito. Kung tutuusin, mas delikado kung hindi ka tatawid, kung maghihintay ka lang sa isang bahagi ng kalye at hahayaan mong dumaan ang mga malalaking sasakyan. Sa totoo lang, para sa pedestrian talaga ang pedestrian crossing. Ang mga truck ay patuloy na dadaan dahil ito ang kanilang destiny. Bilang pedestrian, kailangan mong tumawid. Kailangan mong mapahinto ang mga pumapasada kahit sandali lang. At kung buhay ang nakataya sa pagtawid, siguraduhin lang na hihinto ang trapik para sa ‘yo at magbabago ito ng ruta.

Ang Fabulosong Pulang Set Piece

Ang larawan ay hinugot mula sa Broadwayworld.com

God of Carnage
Produksyon: Atlantis Productions at The Singapore Repertory Theatre
Direksyon: Bobby Garcia
Mandudula: Christopher Hampton (isinalin mula sa “Lay Waste To England for Me” ni Yasmina Reza)
Mga Nagsiganap: Lea Salonga, Adrian Pang, Menchu Lauchengco-Yulo at Art Acuña

Ang unang unang mapapansin mo sa dula ay ang malaking set piece ni Lawyn Cruz sa dingding ng living room. Kulay pula ito, moderno at fabuloso, kung hindi man nag-uumapaw dahil halos sakupin nito mula sahig hanggang kisame. Sinabi minsan ng isang katoto na ang pula ay mainam na pangdekorasyon sa bahay dahil nakakapag-initiate ito ng conversation. At ganito nga ang itinakbo ng dula. Ang away ng mga bata ay halos walang katapusang pinag-usapan, pinagdebatehan at pinagkalasingan ng dalawang mag-asawa.

Ang may-ari ng bahay na sina Michael at Veronica (Adrian Pang at Lea Salonga) ay binisita nina Alan at Anette (Art Acuña at Menchu Lauchengco-Yulo) upang pagkasunduan ang maiksing insidente ng pisikal na away ng mga anak. Lulan na rin ng pagkakaiba ng mga personality, ang unang mag-asawa ay medyo homey at artsy samantalang ang ikalawa naman ay cosmopolitan at cold, hindi sila magkasundo. Ang tinuldukan na sanang usapan ay lumayo nang lumayo.

Napanood ko ang film adaptation ni Roman Polanski pero mas na-appreciate ko lalo ang script nang mapaanood ko ito sa entablado. May kaakibat na pagkabagot at exhaustion ang dula, na tingin ko ay intensyonal, isang bagay na hindi ko naramdaman nang malayang nakakagalaw ang camera sa buong bahay at malayang nahahati ang frame para sa dalawang mag-asawa. Hanggang sa dulo ng dula, hindi natin alam kung na-settle nga ba ang issue o napagod lang talaga kakadakdak ang dalawang couple.

Pula rin ang kulay ng dugo. Nagbibigay ito ng karampatang adrenaline rush kapag ating nakikita. Hindi man tahasang nagsapakan ang dalawang mag-asawa, nagpalitan naman sila ng wit at grace o ng kawalan nito. Sa kabilang dako, baka nga mas mainam na nagsapakan na lang sila para tapos na ang mahabang boksing. Kung ang mga bata ay mabilis na na-settle ang kanilang argumento sa pamamagitan ng isang sapak, mas malala pa ang mga adult dahil hindi nila ito magawa bunsod ng pressure ng social grace at batas.

Sa apat na nagsiganap, pinakagusto ko si Adrian Pang dahil inangkin n’ya ang character sa pinaka-sitcom na paraan na kanyang nalalaman. Napanood ko sa Singapore noon ang ilang episode ng Phua Chu Kang. Bitbit n’ya sa nasabing palabas ang atake na kanyang ipinakita bilang Michael. Tingin ko, may ilang ad lib s’yang ginawa upang mapagaan ang intense na tema ng dula kahit na comedy naman talaga ito. Hindi ganito ang ginawa ni John C. Reilly sa pelikula. Nasurpresa lang ako at gusto ko ang ginawa ni Mr. Pang. Sa kaso naman ng karakter ni Veronica, tingin ko, mabigat ang hinihingi nito mula sa gaganap. Katunayan, kahit ‘yung take ni Jodie Foster sa pelikula ay hindi ko nagustuhan. Gan’un din sa ginawa ni Lea Salonga rito. Kung sumobra ang delivery ni Ms. Foster, parang na-underestimate naman ni Ms. Salonga ang pagka-praning ng karakter. Hindi ako masyadong natakot kay Art Acuña rito at eksakto naman para sa akin ang ipinakita ni Menchu Lauchengco-Yulo.

Tuesday, September 25, 2012

Philography File # 027: Cinemalaya 2012 Attendees


Let me see if I can still remember them all: Joross Gamboa, LJ Reyes, Enrique Gil, Patrick Sugui, Bessie Badilla and Alvie Casiño. Not much since I’ve been doing this autograph thing during the festival over and over again.

Philography File # 026: Ananda Everingham


I had the chance to ask for his autograph during the recent Cinemalaya, specifically right before the gala screening of Adolf Alix’s “Kalayaan” where he plays the lead. He was very welcoming and craving for a small talk. Since I already saw the film before that, I told him that he could pass for a Filipino. I was surprised that he didn’t buy it outright. He was worried about his minimal speaking lines and I told him that those went fine. I asked him if he has seen the film and he nodded. He said that he’s aware that it requires a special audience, probably different from any mainstream film like “Shutter”. I asked for a picture with him for my red backpack series, thanked him and left.

Monday, September 24, 2012

In-Flight Movies # 002


The Montevideo assignment is almost over and the last in-flight film I saw was around two months ago. Just the same, there’s an urge that I have to finish this entry. This is a way for me to remember stuff. And ponder upon, both on the films that I saw and the rare chance to be flying with Emirates (thanks, dear company).

Flights from Manila to Dubai take around eight hours. That means two to three movies per trip. Unfortunately, the flight leaves from NAIA at close to midnight so the first thing I usually do after the hot towel part is sleep. From Dubai to Manila, the plane leaves at 3am so it’s pretty much the same movie viewing challenge. There’s also the luck of having upgraded to Business and it means more comfy seats and more options for alcoholic drinks (read: more prone to sleep). Dubai to Sao Paulo is a different story. It’s a 14-hour trip. That means I have the luxury to sleep, eat properly and enjoy movies as many as I want. It’s actually one of those trips that you are forced to watch films just to kill boredom.

Anyway, here are the 17 in-flight films I have seen since the start of the year:

Manila – Dubai (January 2012)

Drive (Nicolas Winding Refn, 2011) Ryan Gosling should have been nominated at least for this Taxi Driver-esque film about a stunt double who tried to help his lady love neighbor. His earnest take of the title role is an example why popcorn films sometimes work. Actually, the acting from the ensemble is standout. It’s a Hollywood film but it resorts to quiet moments and intensity.

Dubai – Sao Paulo (January 2012)

Moneyball (Bennett Miller, 2011) Brad Pitt is good here but I think his slot on the last Oscars belongs to Ryan Gosling or Michael Fassbender. It’s more of an Aaron Sorkin film, complete with an Aaron Sorkin ending (read: The Social Network). The very last frame, right before the conventional title card, is just mindblowing. I’m not a sports buff but this one doesn’t alienate me. Direction is light and focused. It doesn’t resort to tricks that a film about sports should be fast-paced and adrenaline booster.

Cave of Forgotten Dreams (Werner Herzog, 2010) Never mind that some of Herzog’s early films that I saw involved the wilderness. His attempt to explore and document the intriguing Chauvet caves in France is just enchanting on its own. I am thrilled to know that early life forms had the sense of what’s called a quasi-cinema. It’s monumental, something that requires more programs and government aid to preserve and rediscover. I can say that this is the most important film for 2010.

Footloose (Craig Brewer, 2011) This is a deconstruction of the 1984 musical film that made Kevin Bacon a household name. Stripped with the iconic musical numbers, the film is down to the story of a small town boy who’s attracted to a girl from a very conservative family. At times effective if seen as a Nicholas Sparks material but it would be more fulfilling if the musical numbers are adapted for a present-day audience. Not to totally scrap the reason that the original film became famous, songs are used as background music to some of the scenes (e.g. little girls singing and dancing to Deniece Williams’ “Let’s Hear it for the Boy” and more).

Sao Paulo – Dubai (May 2012)

Life Without Principle (Johnnie To, 2011) When I saw it, I had this inkling that the film belongs to the same box where Johnnie To’s rom-com “Don’t Go Breaking My Heart” is. Only this time, the genre is more of a definitive Hongkong gangster film. By looking at a different perspective, it tackles further the universal issue of economic downgrade and how it affects the modern day citizen (the bank employee, the cop and even the hooligans). There’s a pivotal scene that involves the stock figures and that alone shows how the crisis can serve as a timebomb for the locals. I am not sold to some of the acting but maybe it’s a part of the Hongkong triad film language.

Cinema is Everywhere (Teal Greyhavens, 2011) This film branches into four small documentaries about film in different locations. In Scotland, Tilda Swinton and Marc Cousins attempt to raise cinema awareness through a mobile movie house. A young and struggling actress in India is followed by a camera as she juggles her time with auditions and a date for a possible future husband. In Hongkong, a group of young students are making a film in what looks like an abandoned building. Another filmmaker in Tunisia is making his way to a prestigious international film festival. There’s actually no coherence in the film and the interviews (with Fruit Chan, etc.) most of the time do not help but I love the passion from its subjects. The title is just appropriate.

The Rescuers (John Lounsbery, Wolfgang Reitherman and Art Stevens, 1977) When I was a kid, my brother who was eight years older than me would make it a point to tell his early moviehouse adventure. With wide-eyed wonder, he would recount how fascinated he was watching this animated film from Disney with my mom and my uncle. I was actually transported back to that time when I saw this hand drawn classic. It felt good to bring back those memories while onboard a trip that would detach me from family and friends for three good months or so. The film, by the way, is a tale that involves rats who are commisioned to rescue an orphan. In the middle of a film, the all too sweet song “Someone’s Waiting for You” is played. Instantly, the song became the theme song of that leg of my onsite assignment.

Dubai – Manila (May 2012)

The Muppets (James Bobin, 2011) The premise is undeniably very Hollywood but it’s an enjoyable one even if you’re not a muppets fan. On the side is the team-up of Oscar winner Amy Adams and funnyman Jason Segel as they provide a bit of a romance and some sugary musical numbers. For me the best scenes are when the muppets do some stroke of metafiction.

Thelma (Paul Soriano, 2011) It’s good that I saw the film before it garnered an award for Best Actress in the recent Gawad Urian. Well, I have to admit that Maja Salvador did a great job in the film. That’s actually the only saving grace for me from this Elma Muros-inspired material. But I don’t think she’s at par with the likes of Fides Cuyugan Asensio for “Niño” or even Eugene Domingo for “Ang Babae sa SepticTank”. Past the titular acting goodness, the film felt like an episode of a teleserye, unusually mixed with melodrama acting and a distracting cinematography from Odyssey Flores. I have nothing against Mr. Flores but it just feels like he should have toned it down a bit.

Manila – Dubai (June 2012)

Haywire (Steven Soderbergh, 2011) This action film is probably Steven Soderbergh’s most physical. There’s nothing much but it’s totally entertaining. Glad that the director can pull off a breather like this one. More!



Dubai – Sao Paulo (June 2012)

Romancing in Thin Air (Johnnie To, 2012) This is my third Johnnie To film that I saw onboard a plane. It’s a romance drama between a famous actor (Louis Koo) and an inn manager (Sammi Cheng) turned sour set in the Yunnan Province in China where altitude sickness is eminent. Plot is like borrowed from a Julia Roberts film but the running time of 111 minutes has an added flavor. Maybe I was overreading it but I liked the metaphor between romance and catching one’s breath.

My Week with Marilyn (Simon Curtis, 2011) Hands down, this is another underrated film from 2011. Michelle Williams did a wonderful job in owning the Marilyn Monroe character. The impersonation works but it is how the larger-than-life celebrity becomes human through Ms. Williams’ take that turns the film into an engaging treat. Kenneth Branagh did a similarly exceptional performance as he breathed to life Sir Laurence Olivier’s character. Premise is a bit trite but forgiveable since it’s more of a memoirs.

Sao Paulo – Dubai (July 2012)

Take Shelter (Jeff Nichols, 2011) It’s a delight to come up from time to time a film from the US that is quiet, slow and very reflective. This film about a family man (Michael Shannon) who’s about to face a mental illness by bearing some apocalyptic hallucinations is a perfect example. When I stayed in Frankfort, Kentucky for close to two months sometime in 2008, it made an impression to me that living in a rural area is a bit depressing. Maybe it has something to do with the houses being built far from each other but I am just theorizing from a Third World perspective. Only the film does not stick to the depression per se. It’s a character study of an everyday American citizen and how a family reacts to a similar dilemma. The last sequence of the film actually questions the heart of its premise. It charges back to the audience the possible prejudgement that is fueled from the start. It’s a celebration of humanity and its flaws, or the beauty of nature that is sometimes overshadowed by its own catastrophes.

Moy Papa Baryshnikov (Dmitry Povolotsy, 2011) I believe this was the first Russian film I have seen onboard. A colleague once said that probably Filipinos were Russians on their past life as both races are very family oriented. This film is about a young male student named Borya in a prestigious ballet school in Moscow. It is set in the late 80’s when Mikhail Baryshnikov became an iconic figure in the world of ballet. Borya who lives with his mom in what looks like a working class neighborhood doesn’t know who his real father. He claims one day that his father is actually Mr. Baryshnikov. This resulted to a slight gain of confidence from the kid, making a commentary about the absence of a parent to a family. It’s a feel-good coming-of-age film and looks very mainstream as we know it. I was expecting a Hollywood ending but it rerouted to a resolution that is more fulfilling and satisfying.

The Lorax (Chris Renaud and Kyle Balda, 2012) I must have been really happy when I saw it because I got teary eyed during the last part for no apparent reason at all. Maybe I was just excited to be home. The film, coincidentally, is about home or the preservation of it. It’s about family and it’s about sticking with them even if the outside world has evolved into something disastrous or corrupted. It’s also about the environment, about keeping it pure no matter how flawed and limiting sometimes. There’s actually nothing much from this Hollywood spectacle. Voice talents from Zac Efron, Taylor Swift and the good Danny DeVito are just fine with me. I think it’s the way the message got across that’s admirable in the most kid-friendly way, especially in this age that animated features started to get darker and darker.

Dubai – Manila (July 2012)

A Ghost of a Chance (Koki Mitani, 2011) Based from the note in the film selection menu, this one’s the highest grossing Japanese film in 2011. It would be really unfair but I made a comparison in terms of sensibility to the highest grossing Filipino film during that year. Though Wenn Deramas’ “Praybeyt Benjamin” has a commentary on homosexuality and its acceptance to the society, it drowned in the middle of the film in the most dim-witted way possible. This Japanese film, also a comedy, is more situational than a social commentary. It tells a story of an incompetent female lawyer (Eri Fukatsu) who’s last chance to live up to her father’s legacy is by having a ghost as a witness in a murder case. The premise is actually stupid but I got the hang of it the moment the film takes it seriously. Its resolution is both satisfying and uplifting. Even if the film runs for a whopping 142 minutes, I enjoyed every turn without having the nagging feeling that it’s undermining my intellect.

Beremennyy (Sarik Andreasyan, 2011) This Russian film is totally different from the other one that I saw. It’s a comedy in the most reachable way possible and I wouldn’t be surprised if this film made money at the tills. It’s about a male news anchor that’s married to a pretty lady but doesn’t have a baby yet. He conversed to the universe one day to become a dad and ended up being pregnant himself. Maybe it’s another statement on how family oriented the Russians are but the film is very lousy on its delivery. It runs for about 84 minutes anyway so I didn’t mind being stuck in that jam for a while.

Sunday, September 23, 2012

Ilang Pagkabalisa sa mga Pamagat ng Palabas sa Telebisyon

Nasa pagdudulay-dulay ako ng ideya kung itutuloy ko ba ang pagsugod sa SM Megamall upang manood ng Korean Film Festival o hindi. Andami ko na rin kasing gustong isulat. Andaming nakatambak. Kailangan ko ng isang weekend na nasa kuwarto lang ako at walang ibang poproblemahin kung manonood ng musical variety show sa TV o hindi. Sa ilang palakad-lakad ko sa kuwarto (hindi ito exaggeration ha), nabangga ako sa isang tanong na nakuha ko sa Facebook: “lalake” ba o “lalaki” ang tamang baybay sa Filipino word ng “man” o “boy”?

Personally, ang giya ko ay ang TV show na “Palibhasa Lalake” na umere sa primetime sa loob ng higit 12 taon. Ang isa pa ay ang antonym nito na “babae” na nagtatapos din sa titik E. Pero ‘yun nga, hindi ako sigurado sa tamang ispeling kaya nagtanong ako sa Twitter. Nakakuha naman ako ng isang sagot na ang reference ay ang kanyang nanay na Bulakenya. Ang tamang baybay raw talaga ay “lalaki” n’ung Tagalog pa ang term para sa Filipino na wika. Nakakailang kasi itong gamitin. Parang “lalaki”, ‘yung inunlapiang kabaliktaran ng “liliit”.

O, sige, kung ang tamang baybay talaga ay “lalaki”, malaki pala ang kasalanan sa atin ng sit-com na “Palibhasa Lalake”. Imagine, 12 years tayong ginagago nito! Parang pelikula lang ni Pedro Almodovar na “La Mala Educacion”. Kunsabagay, mahirap talagang magtiwala sa mga pamagat ng TV shows bilang extension ng silid-aralan. Isang naghuhumindig na halimbawa nito ay ang MMK na wala man lang question mark sa dulo. Maalaala Mo Kaya. Hindi ba tanong ito. Este, hindi ba tanong ito? At biglang parang buhos ng ulan, pumatak sa akin ang ilang palabas sa telebisyon na tingin ko ay meron ding question mark.

Heto ang ilan:

Protege Kailangan ng question mark dahil hindi natin alam kung bakit meron ganitong palabas na nasa ikalawang season na kahit hindi natin alam ang nangyari sa nanalo sa una.

Artista Academy Ito dapat, merong tatlong question mark.

X Factor - Philippines Nawala na 'yung question mark mga two weekends ago kaya safe na 'to.

Sarah G Live Hindi kaya live 'yung isang episode na merong duet kasama is John Lloyd Cruz. Question mark!
Gandang Gabi Vice Minsan, hindi naman maganda kaya question mark din 'to.

Kapitan Awesome Wala dapat itong question mark dahil awesome naman s’ya talaga, wala nga lang masyadong nanonood.

24 Oras Parang minsan naman ay 24.5 oras ang ginamit na time frame sa paghahanap ng balita. So, dapat question mark din dapat ito.

Party Pilipinas Ang alam ko, malakas ito sa Mega Manila pero hindi masyado sa buong Pilipinas. So, kalahating question mark ito.

Walang Tulugan with the Master Showman Totoong totoo ito kaya dapat ay merong exclamation point. Sa katunayan, may radio program si kuya Germs na ang title ay Walang Siesta.

Kris TV At lahat ng shows ni Kris, meron dapat exclamation point at #@%#%$^$%^$%^%&^%&@#$@!#

Enchanted Garden Parang hindi naman garden este enchanting. So kalahating question mark lang ito.

Eat Bulaga! Meron nang exclamation point so hindi na kailangang i-analyze. Self-correcting ito.

It’s Showtime Well, generic masyado ang pamagat. Mukhang show naman at particular naman sa time dahil malakas ang palabas bago ito. So puwede na as it is.

Rated K Ayan, puwedeng blind item ang dating kaya hindi na kailangang lagyan ng ! o ? Puwedeng K for Kaning-Baboy. K for Kalokohan. K for Kapekean. Ikaw na ang bahala.

Walang Hanggan Question mark ito dahil naaamoy na nating lahat ang hangganan.

Ang Aso ni San Roque Hindi ko pa napapanood pero sure naman ako na may aso sa show kaya aprub ang title nito.

Unang Hirit Hindi kaya. May palabas kaya bago ito! So, question mark din.

Umagang Kay Ganda Hmm, depende kung araw ng suweldo. Question mark din s’ya.

Wala na akong maisip. Ikaw na lang ang bahalang mag-educate sa sarili mo. Wala na ring panahon para sa Korean film fest. Pero nasagot na ang tanong ko. Mas madali palang ispelingin ang mga babae.

Saturday, September 22, 2012

Philography File # 025: Olivier Assayas


This one was also accomplished through a favor from a co-member of Cinephiles. When Don Jaucian tweeted that he's going to meet French filmmaker Olivier Assayas ("Clean", "Summer Hours", etc.) in an event at the CCP, I replied and asked him to get an autograph for me. So here it is.

Last time I checked, Mr. Assayas had an entry at the recently concluded Venice Film Festival.

Philography File # 024: The Main Cast of "Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa"


This was accomplished during the film's post-Gawad Urian party held at the Ateneo. I got invited but unfortunately, I was in Montevideo then. So I asked some friends from the Cinephiles Facebook group to get the cast's autograph for me. I don't know what my friends told them but by looking at the dedication, I feel like an important person who's about to head home from an equally important trip. Anyway, the signees are probably busy with their respective teleseryes. Paulo Avelino is doing a kontrabida role as Nathan in the popular "Walang Hanggan" in ABS-CBN while Jean Garcia and Rocco Nacino are busy with their own projects with GMA7.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...