Total Pageviews

Wednesday, January 21, 2009

Ang Chic Sako Bag


Two days na akong nasa kuwarto lang, blogging and surfing. So far, so good. Puwede siguro ako sa Big Brother kung sakali. Lumalabas lang ako to buy food, deposit money para isang shirt na binili ko rito sa Multiply at para mag-scout ng sako bag sa palengke sa may Olympia. Gagamitin ko ‘yung sako bag para iuwi ‘yung mga biniling dibidi at para sa mga CDs na na-rip ko na.

Sabi ng landlady ko, wala raw mga ganung sako bag sa palengke. Alam ko rin eh sa Divisoria nga nakakabili n’ung mga ganun. Ito ‘yung makukulay na bag na may print ng Disney characters. Most famous design ay ‘yung merong Winnie the Pooh. Surprisingly, nakakita ako sa palengke namin. Since, magkakamukha na ‘yung iba, pinili ko na lang ‘yung isang design na hindi mukhang sako bag. I ended up having a chic sako bag na parang masyadong maporma. Anyway, iuuwi ko naman sa probinsya at nanay ko na ang gagamit. Didiskartehan ko na lang kung paano ito isasakay sa bus na hindi naman ako masyadong pagtitinginan. P85 pala ang isang piraso. Meron silang tig-P100 hanggang tig-P65, depende sa size.

1 comment:

anjie said...

ang dami mo namang DVD/CDs!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...