Total Pageviews

Sunday, May 04, 2008

Unang Ulan ng Mayo


Sabi sa isang posting sa isang Yahoogroup na kasali ako, hindi raw holiday ang May 1. Meron yata itong politikal na undertone kaya hindi ko na binuklat at binasa pa ang content. Ang iniisip ko lang n'un, galing ako sa dalawang araw na VL n'ung Lunes at Martes, at Miyerkules at Biyernes lang ang mga araw na papasok ako. Masaya pala minsan na hindi kadikit ng weekend ang isang holiday. Mas nakaka-relax.

Ang mga araw na kamukha ng May 1 ay nag-uumpisa hindi dahil sa tunog ng alarm clock kundi dahil sa tindi ng sikat ng araw na tumatagos sa mga kurtina ng aking kuwarto. Hindi ko alam kung ganap na pahinga 'to dahil sa mainit ang init ng tag-init. Walang ibang choice sa umaga kundi bumangon. Ilang sandali pa, bitbit ang aking S60 na may nakasalpak na naghihingalong battery, binaybay ko ang EDSA. Sa SM Megamall ako unang tumigil para sa "Ploning". Papuntang cinema area, nakasalubong ko ang aking kaklase n'ung college na si Viva. Wala pa ring pinagbago ang kanyang sunny disposition at mala-firecracker na kaingayan. Ilang kumustahan lang at palitan ng celfone number at nagpaalam na rin kami. Meron pa yata silang date ng kasama n'ya. Nakita ko rin ang isang katrabaho dati sa bangko. Tinanong ako kung manonood daw ako ng "Ironman". Hay, minsan, ang hirap magsinugaling.

Hindi napuno ang 1pm screening ng "Ploning" sa araw na 'yun. Kung tama ang hinala ko ay hindi aabot sa kalahati ng sinehan ang mga nanood. Sa kabila na ito ng maruming publicity ng pelikula at ang libreng trip to Palawan kapag ticket mo ang nabunot. Nakakalungkot dahil maraming gustong ipakita ang pelikula. Isa rin itong statement kung ano pa rin ang nangingibabaw na taste ng mga Pinoy pagdating sa panonood at pagpili ng pelikula.

Lumabas akong solb. Kung problemado ako sa araw na 'yun, malamang ay napatahan ako ng "Ploning". Ayoko na nga sanang pumunta pa kung saan para ma-absorb ko ang goodness nito. Pero para saan pa at dinala ko ang S60 ko kung hindi naman ako tutuloy sa UP Diliman.

Nag-bus at jeep lang ako papasok ng campus. Kinunan ko ng ilang larawan 'yung signboard ng jeep na may background ng main building. Kinunan ko rin ang Carillon at ang maiitim na ulap sa likod nito na nagbabadya ng isang malakas na ulan. Alas-4 na yata 'yun n'ung bumisita ako sa Chocolate Kiss Cafe na pamoso sa masasarap na cake. 'Yung sampler nila na Chocolate Kiss Suite ang sinubukan ko (maliliit na hiwa ng Dayap Chiffon Cake, Prune Cake at Kahlua Butter Cake yata na lahat ay pasado sa panlasa ko). Isang house blend coffee ang panulak ko. Pumatak ng P110 ang bill. Hindi na masama para sa isang hapon na maginaw at makulimlim. Dito na ako dumiretso sa Cine Adarna ng UP Film Institute na nasa kabila lang ng Bahay ng Alumni.

Bumuhos ang isang napakalakas at nakakabinging ulan. Nagpaulan ako nang konti dahil suwerte raw ang unang ulan ng Mayo. Unang beses ko rin yatang maranasan ang ulan sa UP. Dati-rati ay maaraw ito at nakakapawis ang kahit maikling paglalakad kahit na may ka-HHWW. Sa lobby ng sinehan ay walang masyadong tao maliban sa mga takilyera na nakakaaliw ang huntahan. Wala pa sigurong pito kaming nanood.

Pinabagal ng "Donsol" ang hapon ko. Ilang beses akong humikab at parang mas gusto kong nasa bahay na lang ako, nakahiga at nakikinig sa Love radio. Wala na ang ulan nang matapos ang sine (P80 lamang). Naglakad ako papuntang kanto at pumara ng jeep papuntang Philcoa. D'un na ako sumakay ng bus hanggang "tulay" at kumuha ulit ng isa pang jeep. Wala nang masyadong event sa araw na 'yun. Maaga rin yata akong nakatulog bilang paghahanda sa araw ng trabaho kinabukasan.

Movie Digest # 043

PATHOLOGY
Glorietta 4, Cinema 1, April 29, 6:00pm

This small film has lots of surprises for a Hollywood film. Other than Milo Ventimiglia (of "Heroes" fame) and Alyssa Milano, "Pathology" doesn't have much star power. And that's a good thing. The film delves into the twisted game of pathologists who are challenged to come up with a perfect crime. Mechanics include killing a person, a society trash, through a clever and, err, medical way (something that CSI cannot solve). The ending is a bit predictable but the filmmaking used is appealingly old-school (complete with tight shots and thematic camera works). I enjoyed this one.

Friends who might appreciate it: Peter Petrelli fans.

PLONING
SM Megamall, Cinema 5, May 1, 1:00pm

Yes, the film is a must-see regardless if you dig Juday or not. Probably the first good Filipino film for 2008. More stories about this on my other blog entry ("Manood ng "Ploning" Dahil/Hindi Dahil").

Friends who might appreciate it: not limited to Fitrum users.

DONSOL
UP Film Institute, Cine Adarna, May 1, 5:00pm

I'm not sure if I dislike this one or not. Donsol, the place, doesn't have anything to do with the plot or the characters. Take this film as your Butanding-Watching 101, nothing more, nothing less. Statement: Adolf Alix has made a poor debut film.

Friends who might appreciate it: whale sharks.

Ani


Stitched unedited celfone pics, 1.3 megapixels.

N'ung nakaraang pista sa bayan namin (Foundation Day ng bayan at hindi patronal town fiesta), sumaglit ako sa munting Agri-Trade Fair sa tabi ng plaza. Taunan itong ginagawa at medyo matagal-tagal na rin 'yung huli kong pakikigulo sa ganitong pagdiriwang. Walang masyadong bago sa mga kubol na magkakadikit malapit sa may DC Grocery. Bumisita pa rin ang ilang staff mula sa Philippine Flour Mills sa Hondagua, Quezon, para magbenta ng masasarap na donut at ilang higanteng tinapay. Tulad ng inaasahan, ito pa rin ang pinakamalakas ang hatak sa mga taga-Lopez. Sa entrance ng tiangge ay may isang maliit na lamesa na bumabandera ang entry ng aming bayan para sa OTOP (One Town, One Product) Philippines. Aprubado na raw ng DTI ang aming coconut candy at polvoron. Naikuwento ng tindera rito na ang mga unang sample na pinadala para suriin ay masyado raw matamis. Maganda ang tetra pack version ng mga produkto. Hindi ko lang nakunan ng larawan dahil naghihingalo na ang celfone battery ko n'un. Nawa'y ang mga ganitong pagkakataon ay magbukas-daan sa ilan pang opurtunidad para sa aking mga kababayan. Quezon, Lopez naman!

Manood ng "Ploning" Dahil/Hindi Dahil...

(pasintabi, merong spoilers)

DAHIL:

1. Plot-oriented ang pelikula, hindi ito trip-trip lang o too artsy o masturbatory. Dahil dito, maiibigan ito ng mainstream crowd na sukang suka na sa mga pelikulang formula. Ang devise na ginamit ay tila pinagsamang "Malena" at "Sa Pusod ng Dagat". Sa katunayan, halos suporta lang ang binigay ni Juday sa pelikula. Para sa akin, ang central character ay ang batang/binatang si Digo;

2. Ang mga eksenang madrama ay hindi halata pero merong tama. Kung ganito ang hanap ng mainstream, hindi mapapahiya ang "Ploning". Ilan sa mga eksenang ito ay ang batang si Digo na nagnanais maisakay sa motor gamit ang kanyang bagong tsinelas, ang reunion scene sa dulo ay walang dialogue pero nakakaiyak, ang nag-iisang crying scene ni Juday kasama si Tony Mabesa matapos ang paglalaba ng puting damit, atbp;

3. May "mata" ang direktor sa pagdidirek. Hindi s'ya mapapahiya sa mga beteranong direktor ngayon na walang pinapakitang bago. Ang mga katulad ni Dante Nico Garcia ang dapat tinatanggap ng industriya with open arms. Kontrolado rin ang pagpapaarte n'ya sa cast, mula sa mga walang pangalan (ang bata at binatang Digo) at may pangalan (underacting si Juday rito, mahusay si Spanky Manikan bilang Tsuy, epektibo rin si Eugene Domingo bilang baldado at kaabang-abang ang mga eksena ni Mylene Dizon);

4. Maganda ang cinematography pero iniwasan ng mga gumawa na magmukhang travelogue ang pelikula. Unang una, maraming salamat at hindi "Cuyo" ang pamagat ng pelikula. Malaking bagay ito dahil nabigyang kulay 'yung suportang kailangang ibigay ng mga tanawin (dagat, bayan, maliit ng barangay, atbp.) sa mga sala-salabat na mumunting kwento at hiwaga na nagkakabit sa mga residente roon;

5. Pinag-isipan ang pagkakasulat. 'Yun nga lang, nadamay na rin ang halos lahat ng karakter sa katalinuhan. Masyadong matalino si Ploning, ang batang si Digo, si Tony Mabesa, ang tricycle driver na si Ketchup Eusebio, ang karakter ni Mylene Dizon, si Beth Tamayo o maging ang Taiwanese na si Tsuy. Walang masyadong pagkakaiba sa boses at timbang sa pagiging wise ng mga karakter. Tila lahat sila matalino. Puwede itong maging drawback ng pelikula pero ok lang sa akin;

6. May ilang bahagi na hindi ko masyadong maintindihan. Halimbawa, bakit pa pinatagal ni Digo ang kanyang paghahanap kay Ploning? Hindi ba n'ya nami-miss man lang ang kanyang kapatid? Para sa isang batang nawawala, ang una sigurong iisipin n'yan ay ang makabalik sa kanyang tahanan. Hindi ko rin ganap na maintindihan kung bakit masyadong luminous si Juday sa mga eksena n'ya. Ang ganda-ganda n'ya, kahit retro ang suot o basang basa s'ya sa ulan ay maganda pa rin s'ya. Sana medyo nakontrol ang aspetong 'yan. Hindi ito masyadong nakatulong lalo na r'un sa mga eksenang nagiging novelty ang kahit anong involvement ng mga kalalakihan kay Ploning (o hindi ko lang naintindihan 'yung mga eksena sa isang pasinaya). Kung ako, magiging proud pa ako kung si Ploning ang ka-slowdance ko; at

7. Best film siguro ito na kasali si Juday. Pero bilang aktres, mas matimbang pa rin sa akin ang mga ginawa n'ya sa "KKK" o "SSS" dahil at home na at home s'ya sa karakter ng taklesa at modernong babae na pinasok ang buhay may-asawa.

HINDI DAHIL:

1. Rated A ng CEB. paalala: "A" rin ang nakuha dati ng "Mulawin". Ang grade ng CEB ay laban ng producer para bawas-gastos sa tax. Para sa akin, walang kinalaman ang manonood dito;

2. Kapuso o Kapamilya ka (o dahil suwapang at mukhang pera ang Star Cinema). Para sa akin, ang pangit lang sa "Ploning" ay ang publicity na kamukha ng makinaryang ginagamit ng mga big time producer. Ganung-ganun ang mold. Sana kinumusta na lang si Juday sa pinaghugutan ng karakter n'ya at 'yung economics bilang producer o ipakilala 'yung mga artista sa pelikula na wala pang pangalan (para naman makilala man lang ng Philippine Movie Press Club at ma-nominate sa Star Awards for Movies); at

3. May free trip to Palawan for two kapag nanalo ka sa raffle (tatlo ang mananalo!). Dapat yata ay nasa "DAHIL" 'to kaya manood na hanggang May 6.

Friday, April 25, 2008

Tanghali


Stitched unedited celfone pics, 1.3 megapixels.

Isa sa mga pakiusap ng kaopisinang malapit na kaming iwanan para sa "family business" ang mag-lunch sa Manang's sa THE Ateneo(!). Ganyan minsan mag-trip sa amin kaya naman nakakaaliw rin. Dati, n'ung nasa bangko pa ako sa may Paseo de Roxas, sa Megamall naman kami nagti-trip mag-lunch lulan ng MRT. Umulan kaninang tanghali. Suwerte raw ito kapag merong nagpapaalam (pero minalas ako dahil hindi ako umabot sa house specialty na grilled pork liempo). Unang beses ko sa nasabing kantina. May ilang estudyante na konyo pero halos ang delegasyon namin ang nagpahaba sa pila na malapit sa tennis court. Dahil sa kakaibang karanasan, kakaibang panahon at pagkakataon, nag-enjoy ako.

Thursday, April 24, 2008

Movie Digest # 042

STREET KINGS
Robinson’s Galleria, Cinema 10, April 19, 3:00pm

Nothing to expect much, given the fact that the screenplay is written by "L.A. Confidential's" novelist. As an action film, "Street Kings" isn't bad. But it doesn't have a lot of kicking to be too memorable.

Friends who might appreciate it: those who consider Keanu Reeves as a better Bruce Willis.

THE FORBIDDEN KINGDOM
Greenbelt 3, Cinema 2, April 22, 8:05pm

The film is reminiscent of old school kiddie/fantasy films like "The Never Ending Story" (or even "Narnia") where the protagonist, for no apparent reason, is being transported to a new world (read: middle earth). Plot is too simple and predictable for me. The plus point: the opening credits showing an equal billing of the two Hongkong legends, Jackie Chan and Jet Li (imagine a crossword puzzle entry for their names). I was reminded of the rotating (a more creative one, I would say) Nora Aunor-Vilma Santos for Danny Zialcita's "Ang T-Bird at Ako".

Friends who might appreciate it: those who wish to see a long and honest-to-goodness fight sequence with Jackie and Jet.

THE SAVAGES
Glorietta 4, Cinema 4, April 24, 7:50pm

A sleeper movie: simple, indie and with loads of underacting. This is not recommended to popcorn film crowd as it tries to realistically share a portion of an emotionally honest American life. Lighting and production design are effortless, giving a natural and engaging feel. Laura Linney and Philip Seymour Hoffman are equally great (understatement) as children of a dementia patient. Some scenes are stand-out like the one with the old man trying to turn off his hearing aid and the one with the brutally rehabilitating dog right before the film ends.

Friends who might appreciate it: savaged and savages alike.

Wednesday, April 23, 2008

Bangkok Itinerary, Second Draft




Without much further ado, here's my second draft:

SATURDAY:
Morning --> Wat Arun, Royal Palace, Wat Phra Kaeo and Wat Pho
Noon --> Winnanmerk and Baan Jim Thompson
Sunset --> Nice (and decent) Thai massage
Dinner --> Shopping at a night market
Evening --> Thanon Patpong

SUNDAY:
Morning --> Floating Market Tour (with cultural dance, elephant show, etc.)
Sunset --> Chao Phraya Express Boat round trip
Dinner --> Siam Square
Evening --> (Decent) Bar-hopping

MONDAY:
Morning --> Ayutthaya Ruins Tour
Sunset --> Luggage pick-up from my friend's flat
Dinner --> Last-minute shopping
Evening --> Off to the airport

Tatlo, Dalawa, Isa


I. Kenyo sa Robinson's Galleria

Masyadong mainit mamalagi sa kuwarto kaya wala nang pagdadalawang-isip pa, bitbit ang CD ng Kenyo at Canon S60, kinaladkad ko ang sarili ko sa Robinson's Galleria n'ung Sabado ng hapon. Hindi masyadong matrapik kahit na nag-jeep at bus lang ako papunta sa mall. Masyadong napaaga ang dating ko kaya nanood muna ako ng sine ("Street Kings"). Paglabas ko ng Cinema 10 (at elevator), 'sakto lang na nag-uumpisa nang magpapasok ng tao sa isang improvised na concert venue sa food court area. N'ung una, akala ko'y haharangin ako dahil ang lamesa na nagsisilbing entrance ay may ilang CD na ibinebenta. Sinabi ko sa bantay na may kopya na ako at nakalusot naman (unusual ito at hindi kamukha ng experience ko sa mall show at CD signing dati ni Michael Buble sa Podium kung saan binraso ng Astro Plus ang pagiging ekslusibo ng event). Karaniwang maikli at payak lamang ang mga mall show (o mall tour ng isang banda o artist). Hindi ito naiiba sa ginawa ng Kenyo. Kinanta lang nila ang ilang tracks sa CD (na koleksyon ng mga sikat na 80's song) at mga lumang crowd-pleaser katulad ng "Pinoy Ako" at "Yakap sa Dilim" ng Apo. Nabanggit ng banda, bago awitin ang "Your Eyes", na nakuha nila ang inspirasyon na isaplaka ang kanta matapos mapanood ang isang number sa "That's Entertainment" ni kuya Germs noon. Aliw na aliw raw sila sa portion kung saan ang mga fans ay nagsasabit ng sampaguita sa kanilang idolo na halos hindi na makakita. Sinundan ang mini concert ng meet-and-greet at CD signing. Hindi ako nakapagtanong nang matino sa dami ng ilang bata at female fans na nagnanais makakuha ng Friendster picture kasama ang banda. Heto pala ang ilang ebidensya.

II. Milagros Dancehall Collective Album Launch sa Saguijo

Matapos ang quicky dinner with Hongkong Style Noodles at isang fried penoy, sumakay na ako ng bus na "Ayala / Leveriza" mula sa Robinson's Galleria patungong Saguijo. Niyaya lang ako ng officemate ko para sa album launch ng isang bagong reggae band. Wala akong ideya kung anong dapat asahan. Basta ang alam ko ay malapit lang ang Saguijo sa apartment. Dumating ako sa bar ng 7pm. Merong entrance fee na P1. Ika-25 ako sa parokyano ayon sa aking tiket. May nakalaang libreng CD para sa unang 20 na darating at naawa na lang siguro sa akin ang isang band member kaya't nakapag-uwi rin ako ng kopya ko sa halagang P1. Walang masyadong tao sa lugar maliban sa ilang DJ para sa live broadcast ng Doobie Nights ng Jam 88.3fm at ilang fans o kakilala. Sa ganitong pagkakataon ay mas masarap mag-photo-op kesa uminom ng serbesa (at mas matipid!). Tulad ng inaasahan, kung hindi nila ginawa ang magandang cover ng "This Girl is Mine" nina Michael Jackson at Paul McCartney, wala akong alam sa repertoire ng Milagros Dancehall Collective (o sa reggae mismo). Nagkataon lang na masarap sa tenga ang reggae, nakakaindak at melodious (wala na akong pakialam kung anuman ang content ng mga kanta pero may hinala ako na ang ilan dito ay punong-puno ng seduction). Heto naman ang ilang kuha ko mula sa album launch.

III. "Altar Boyz" ng Repertory Philippines sa Greenbelt Onstage

Kinabukasan (Linggo), matapos magpagupit sa Bepo's sa A-Venue (20% off pa rin sila hanggang katapusan ng Abril), nag-jeep naman ako papuntang Greenbelt area. Lalo yatang umiinit ang tag-init ngayong taong ito. Mula Greenbelt 4 ay binaybay ko naman ang ilang al fresco restaurants papuntang Greenbelt 1. Mukhang pagod ang unang babaeng kumausap sa akin mula sa Rep. Kung pagod din ako n'ung mga sandaling 'yun, baka inabot ako ng kasungitan. Hindi kami masyadong magkaintindihan tungkol sa seating arrangement at kung alin ang free seating at hindi. Sinalo na lamang s'ya ng katabi n'ya sa kaliwa. Kalahating oras bago mag-umpisa ang palabas, sumaglit muna ako sa maliit at isa sa mga naunang stall ng Jamaican Pie. Quicky lunch. Maliit lang kung tutuosin ang produksyon ng Rep ng "Altar Boyz". Ginawang devise ng sumulat ng musical ang isang world tour concert ng isang sikat na Catholic (at isang Jew) na boyband. Ang stage ay nag-mistulang isang concert stage at walang ibang karakter maliban sa limang miyembro ng boyband (isang lider na mala-Justine Timberlake ang packaging, isang Mexican na parody para sa mga Latino superstar katulad ni Ricky Martin, isang bading na falsetto, isang bad boy na mala-Robbie Williams at isang tila walang kinabukasan para magkaroon ng solo career). Sinahugan ito ng isang digital soul censor na bumibilang sa mga lost souls mula sa audience. Ito ang nagsilbing bomba ng kwento (hindi nakakagulat na napansin ng mga kritiko ang dula). Radio-friendly naman ang mga kanta at epektibo ang pagiging interactive ng musical. Sa limang nagsiganap, ang miyembro na Mexican ang bumenta sa akin dahil na-sustain n'ya ang karakter hanggang dulo. Si PJ Valerio (ng "Walang Tulugan Master Showman") ay puwede na bilang lider. Pasado na sana s'ya maliban sa isang mataas na chorus ng kanta bago matapos ang dula. Bigla tuloy akong nagduda sa musicality n'ya. Ang gumanap naman ng bad boy ay absuwelto na rin sana. Malinaw ang kanyang mga linya at bigay na bigay ang delivery. 'Yun nga lang, sa kanyang African-American accent, nilinlang s'ya ng kanyang mala-F4 na appearance at dito s'ya pumalya. May kanto ang lyrics ng mga kanta. Hindi ito ganap na wholesome at hindi rin naman ganap na satirical. Naaliw na rin naman ako sa kabuohan. Nakalimutan ko lang na isa itong pagsasadula ng Rep.

Friday, April 18, 2008

A Weekday in the Life of...

6:45am - Wake-up call from O2. Normally, I set two alarm clocks (celfone and the old-school one) just to make sure. They have a 30-minute interval. This is a must when assigned abroad (especially when adjusting with the time zone);

7am - Quicky breakfast with Quaker Oats Vital and Fruit Loops while reading Fodor's Bangkok's 25 Best. My APE showed that I am a hypertension suspect (BP is 140/100 which is quite high). This explains my healthy morning fix;

7:45am - Trip to shower. I am not really into long bathing hours. I can get myself ready in 30 minutes;

8:20am - Taxi-hailing. My aparment is located near the Makati City Hall so taxis are everywhere except for payroll period;

9am - Training (Office). My first training in ages. I sometimes feel "kinakalawang" but Spencer Johnson's "Who Moved my Cheese?" changed everything;

LUNCHBREAK - With officemates at Tokyo Tokyo in Market! Market! This is not an everyday thingy of course. Mondays through Thursdays are spent at the pantry with my lunch circle of friends (I have other groups like Playmates, Trekking/Camping Mates and my sole batchmate, Edrik);

1:30pm - Training (Office). As Alchris Galura's Friendster shout-out would say, "Laban kung laban" (hahaha).

3pm - Team meeting. Or better yet, one of the best team meetings that I have attended so far. Other than the usual business chitchat, we had S&R pizza and Cheetos (with generic name "cheese curls") plus four (or five?) bottles of Two Oceans red wine (made in South Africa and our PM's favorite brand, she said). Well, what happens if you're a little tipsy and everybody's too modest about the art of penetration ("suksukan"), screwing, soccer and kneeling, and having a giant octopus for a paper weight? Your guess is as innocent as mine but it was fun;

5pm - Work;

8pm - With my laptop bag, off I went to High Street to catch at least the finale of "Music by Starlight 2". I ended up with Sitti singing the last few lines of "What a Wonderful World", finale song "The Prayer" with Sitti plus Nolyn Cabahug, Rachelle Gerodias, (the great) Jonathan Badon and Liezl Batucan, a surprise piece from Jay Glorioso singing "La Vie en Rose" and the encore song "Amigos para Siempre". Short but worth it;

9pm - Visited Market! Market! again to check CD-R King if still open and got frustrated. Few minutes after, I was already queueing for Fort Bus to EDSA-MRT;

9:40pm - Bought three Melody CD-Rs at SM Makati's office supply shop and got a small bottle of C2 Lite;

10pm - Jeepney ride back to the apartment;

10:30pm - TV, particularly Jeffrey Jeturian's regular stint at "MMK" (last episode was forgettable except for the consistently fine acting from Kapamilya clan) and "Bandila" (for the news). I had also a glance at Q's "Balikbayan" with Maryo J. delos Reyes visting Bohol. Drew Arellano definitely deserves more visibility in the Kapuso station for he's a good host and, for that particular episode, a good and natural actor. Direk Maryo J, before the show ends, conceptualized a movie for Drew and Dennis Trillo and commented on their contrasting personalities. He said that the film is entitled "Chocolate Hills-back Mountain". I can't remember the last time I had a Friday gimik or movie marathon or Saguijo nightcap but this is more likely my kind of Friday;

Midnight - Bedtime, dreaming of my Bangkok adventure (with the travel books and flyers beside the Japanese bed);

Kalye


Stitched unedited celfone pics, 1.3 megapixels.

Binuksan na n'ung Huwebes ang kalyeng nagdudugtong sa building ng opisina at isang main road (kung saan kumakanan ang mga sasakyan mula Jollibee/Starbucks/Chowking area) sa The Fort. Wala namang masyadong impact sa akin dahil wala akong sariling oto pero nakakabawas ng isang patak ng metro kapag nagta-taxi tuwing umaga. Maliban dito, may kakaibang pagpapalaya itong ginagawa sa akin. Matagal-tagal na rin kasing aspaltado ang kalsada pero hinayaan munang sarado sa publiko upang tumibay, maging matatag at maging handa sa anumang sasakyan na magdaraan.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...