Total Pageviews

Wednesday, June 11, 2008

UNAyted States of America


I hope nakuha n'yo 'yung galing ko sa wordplay r'un. Hahaha. For the record, ilang mga una sa buhay ko ay nangyari sa loob ng halos isang linggo. Heto ang aking "like a virgin" list:

1. First time kong nakita ang Mt. Fuji mula sa bintana ng eroplano. Naka-on nga yata 'yung "wear your seatbelt" sign pero wala, dedma lang. Kailangan ko kasing pumunta sa kabilang side para hanapin 'yung bundok. Buti na lang, in-announce ng piloto. Well, may konting goosebumps. 'Yun lang naman ang dahilan kung bakit gusto kong makita ang Japan. Namatay na kasi si Kurosawa;

2. First time kong mag-drive. Period. Hahaha. Idagdag pa 'yung unang pagkakasabak sa US freeways, etc. Imagine, nag-drive ako mula airport hanggang hotel? Hahaha. Sorry pero parang ngayon ko lang na-realize 'yung henyo r'un. Masyadong liberating pala ang pagmamaneho;

3. First time kong magyabang (see number 2). Very American eh;

4. First time kong maiyak sa isang reality show. Ewan kung anong meron pero naiyak ako r'un sa The Real World replay sa MTV. Tungkol s'ya sa mga alcoholic and addicts na nasa isang bahay ala-PBB. Pero wala yata s'yang eviction or something. Bahala ka kung gusto mong umalis o mag-stay. Merong isang guy na gumawa ng sulat to say goodbye to heroin. Wala lang. Parang may sinabi s'ya na napaka-plastic ng droga. Ewan ko rin kung bakit ako naiyak. Hahaha;

5. First time kong uminom ng dalawang beer at nag-drive pagkatapos. Ayoko sanang uminom sa Dragon Bar (nasa city proper ng Frankfort, Kentucky) kaso team event. Tinanong ko kung mga ilang beer 'yung pwede kong inumin. Isa o dalawa raw. By the way, kasabay nitong first na 'to 'yung medyo mahabang night driving pabalik ng hotel. Wala naman yatang offense. Hehehe. Nag-panic lang ako nang konti kasi baka hindi naka-on 'yung tamang ilaw. Masyado akong umaasa r'un sa nakalagay na "auto" sa stick n'ung signal light;

6. First time kong na-realize na merong mga picture sa Friendster ng mga parked cars. Siguro bragging rights. Ako, nate-tempt ako na dagdagan pa 'yung mga pictures. So far, so good ang parking. Hehehe;

7. First time ko ring maaliw kapag dinadapuan ng cicadas sa suot na damit. Once every seven years lang daw dumarating 'yan. Hmmm, parang true love;

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...