Total Pageviews

Saturday, August 03, 2013

Ikawalong Araw sa Cinemalaya 2013


Huling weekend na ngayon kaya dagsa na ang tao sa CCP. May mga balitang bumaha rin sa ilang kalye sa may Dapitan. Hanggang tuhod daw. Nag-closing film na rin ng 9pm ang “Burgos” ni Joel Lamangan pero hindi ko na pinanood dahil ipapalabas din naman ito sa mga sinehan. Naaliw lang ako na ito ang may pinakamaraming merchandise na ibinebenta ("Burgos" mugs, fans, keychain, payong at iba pa). Hindi ko masyadong maapuhap ang irony sa pagitan ng komersyalismo at sa tema ng pelikula tungkol sa mga desaparecidos pero gan'un naman ang buhay minsan. Sa ganitong point din ng festival, halos napanood ko na rin lahat ng mga kalahok pero sa totoo lang, nahihirapan pa rin akong makakita ng “Diablo” ko. Iisa lang naman ang sigaw ng konsensya sa araw na ito: “May pasok na sa Lunes.”

Heto ang mga napanood ko:  

PORNO (Adolf Alix) Nag-tweet ako na ang pinakamagandang bahagi ng pelikula ay ang penetrating cinematography nito ni Albert Banzon. Pero seryoso naman ako r’un. Ang ganda ng rehistro ng ilaw na nakapag-compliment sa acid trip ng pelikula. Very distinct, kung hindi man sobrang kopya kung meron mang pinaggayahan. Para sa akin, nagkaroon ito ng sariling punk at nainlab ako rito. Totoo rin naman na given na ito kung ilalatag ang filmography ng cinematographer (“Kalayaan”, “Happyland”, “Ang Mundo sa Panahon ng Bato” at iba pa) pero ito ‘yung sa tingin ko ay mahirap makalimutan. High art ang final product ng pelikulang ito na isinulat ni Ralston Jover (“Bakal Boys” bilang writer/director, “Kubrador” bilang writer at iba pa). Gustong ipakita ‘yung proseso kung paano nakakarating sa mga bahay-bahay ang mga “dibidi” (o online video) na porno (na mas patok sa tawag na “scandal”). Mula sa ganitong devise ay ‘pinakita naman ang tatlong episodic na kuwento ng mga karakter na sa isa o maraming paraan ay apektado ng tinatalakay na subject. Nagdagdag ng pahapyaw na magic realism (na ang reference ng karamihan sa mga nakasalumuha ko sa CCP ay ang pelikulang “Post Tenebras Lux” ni Carlos Reygadas). Ang punto siguro ay ‘yung fascination natin sa voyeurism bilang isang bagay na supernatural din ang ugat at mahirap bigyan ng paliwanag. Puwede rin namang ang take ay may mga bagay na nagko-co-exist sa mundo kasabay ng tao. Nakikita nila tayo pero hindi natin sila nakikita. Mahusay ang cast. Kahit si Yul Servo eh magandang makita na gumagawa ng pelikulang ganito ang tema kahit na isa na s'yang konsehal sa Maynila. Maging si Angel Aquino bilang tranny ay nakatawid naman kahit na may ilang reservation ako sa kanyang body language. Sa lahat, si Carlo Aqiuno ang pinakalumutang sa akin. Sustained ang kanyang vision sa kung paano aatakehin ang karakter. 

THE DIPLOMAT HOTEL (Christopher Ad Castillo) Totoo pala ang mga sabi-sabi na disappointing (mula sa salitang “pangit” hanggang “iwasan ito”) ang pelikula. Gets ko naman ang konsepto, mga karakter na pumunta sa isang haunted na lugar upang i-document ang mga kababalaghan ng mga ispirito roon pero sariling ispirito nila mismo ang kanilang nakaharap. Ganito ‘yung tinumbok ng pelikulang “Contact” ni Robert Zemeckis na natalakay rin ng “Mangatyanan” ni Jerrold Tarog. Hindi ako filmmaker pero may impression ako na parang bulag ang direktor sa kung ano ang suwabeng pag-arte. Paliko-liko ang mga artista rito (mula kay Gretchen Baretto hanggang kay Art Acuña) na parang walang pupuntahan (kung deliberate ito, balitaan n’yo ako). Medyo gumana nang konti ‘yung pagka-“Blairwitch Project” sa mga madidilim na eksena pero hindi naman na-utilize nang buo. Kung ang ambisyon ng pelikula ay upang magpatili, masasabi ko namang naging successful ito base sa mga nanood kahapon sa Main Theater. Pero sa loob-loob ko, tumitili rin ako ng sama ng loob. Wala akong nagawa kung hindi pumunta sa Harbour Square at sinubukang mag-abang ng sunset.  

ANG PIRATA (Jon Red) Sa kamalas-malasang araw, nakatabi ko pa si Arman Reyes sa panonood ng pelikulang ito. Isa kasi sa listahan ko sa mapayapang panonood ng Cinemalaya ay iwasan s’ya dahil maingay sa maraming bagay. Minsan, inuubo at madalas, meron s’yang side comment sa mga eksena na pinangungunahan ng katagang “Putang ina”. Bago matapos ang pelikula, sa huling eksena nito, nag-comment s’ya ng “Mga baliw ang gumawa!” At sumasang-ayon ako sa kanya. At hindi ito masamang bagay. Ito naman talaga dapat ang essence ng so-called “indie filmmaking” (na tahasang binaliktad ni Jon Red sa kanyang introduksyon na “Welcome to the Amateur Night!”), na walang kumpromiso at halos tumatawid nang konti sa pagiging masturbatory. Siyanga pala, tungkol sa gangster ang pelikula.

THE SEARCH FOR WENG-WENG (Andrew Leavold) Malakas ang koneksyon sa akin ng docu dahil lumaki ako na nanonood ng mga pelikula ni Weng-Weng sa mga sinehan sa Lopez sa Quezon. Tandang tanda ko pa ‘yung eksena na tumalon s’ya sa building (na akala ko n’ung una ay gamit ang kumot pero isang malaking payong pala ayon sa mga clips) at alam kong sa Felrose 1 ko ito napanood na katabi ng Ilog Talolong. Marami akong napulot. Una, kokonti pala ang nagawa n’yang pelikula pero ang lakas ng kapit n’ya sa stardom (at least mula sa aking kamuwangan noon). Ikalawa, Virgo rin pala si Weng-Weng (September 7 s’ya ipinanganak). Ikatlo, na alam na rin nating lahat, walang espasyo ang Pinoy film industry sa mga napaglipasan na ng panahon. Sobrang bagsak talaga ang sense of history natin kahit sa showbiz. Kung kaya’t tama ang teoriya na habang sikat ka sa pag-aartista, umpisahan nang mag-ipon. Ikaapat, wala namang ipinagkaiba ang fascination ng dokumentarista sa kanyang “Sto. Niño” sa pagkapanatiko ng iba sa atin (Noranian, Vilmanian, Kapamilya, Kapuso, Kapatid at maging ang mga football fan sa South America o ng mga sagrado Katoliko in general). Ang kanyang walang kamatayang paghahanap, kahit na hindi naman s’ya talaga sagana sa pera base sa interval ng kanyang mga trip papuntang Pilipinas, ay isang katibayan ng tagos na debosyon.

Friday, August 02, 2013

Ikapitong Araw sa Cinemalaya 2013


Kapag Huwebes na, kadalasan na medyo nakakalungkot na dahil matatapos na ang isang linggong bakasyon ko. Pero ayos na rin dahil andami ko namang nakakausap na bihirang bihira kong makausap. At so far, sa mundo ng Cinemalaya, wala pang nagtatanong kung kelan ako mag-aasawa. Usually, “Anong best film mo?” lang na medyo nahihirapan akong sagutin. Marami akong nagustuhan pero wala pa akong “Diablo” ngayong taon. O, siguro, nami-miss ko ang line-up n’ung isang taon na parang hindi magkapili dahil maraming kuminang at nagdala sa alapaap. Inilabas na rin ang pinakamabenta sa box office, “Babagwa” para sa New Breed at “Ekstra” para sa Directors Showcase. Magkakaroon ng additional screening sa Linggo sa Little Theater (12:45pm at 3:30pm respectively).

Heto ang mga napanood ko sa araw ng Huwebes:  

BOTONG FRANCISCO: A NATION IMAGINED (Peque Gallaga) Walang masyadong mapipiga sa docu na ito dahil unang una, gagamitin itong parang video installation sa Ayala Museum para i-compliment ang display ng mga ginawa ng National Artist na si Carlos “Botong” Francisco. Gusto ko ‘yung ideya na nabubuhay ang mga karakter sa painting upang magbigay suhestiyon sa inspirasyon nito (pero hindi ba’t ganito naman lahat ng mga painting?). Ang pinakamasayang bahagi na siguro ng panonood ay ‘yung Q&A portion kasama ang mga curator ng museum at sina Peque Gallaga, Lore Reyes at ang sumulat. Mas marami akong napulot sa kanila tungkol sa take nila sa mga subject ni Botong. Halimbawa, merong observation si Peque na ang mga lalaki raw sa painting ay masyadong buffed samantalang ang mga babae raw naman ay merong “beerhouse boobs”. Nasa ganitong linya sana ang inaasahan ko. Sabi nga mismo ng direktor, ang art daw ay kino-confront natin with irreverence upang lubos na maunawaan. Sa puntong ito, nadismaya ako na hindi natalakay ang accuracy ng mga reimagining ni Botong sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang natatandaan ko, ang “First Philippine Mass” n’ya (yata) na nasa National Museum ay merong historical lapses. ‘Yun nga lang, malinaw naman sa daloy ng docu na mula sa first person ang perspektibo at ayon na rin sa title na ang lahat ay mula sa interpretation ng artist kung paano nabuo ang bansa.  

OROS (Paul Sta. Ana) Compelling (paboritong salita kahapon ng mga Cinephiles members) pa rin para sa akin ang pelikulang ito mula n’ung isang taon. Siguro malaking factor talaga na napakahusay ni Kristoffer King (at Kristofer Martin na rin) dito. Medyo comparable ang vision (treatment ng material) sa “Quick Change” ngayon.  

PAGPUTI NG UWAK, PAG-ITIM NG TAGAK (Celso Ad Castillo) Malakas ang deconstruction ng “Romeo and Juliet” sa obra na ito. Maraming reference (pinaka-given na siguro na ang pangalan ni Vilma Santos dito ay Julie) sa tragedy ni Shakespeare. Dito ko nakita si Celso Ad in a different light. Nage-gets ko ang poesiya ng mga nature shots n’ya sa ibang pelikula pero rito, klarong klaro ang pagkahilig n’ya sa literary classic. Pinakagusto kong shot eh ‘yung terrace scene na malakas maka-tribute. Wala kasi akong katiting na abiso tungkol sa pedigree ng pelikula at masayang naglalaro sa isip ko ang mga reference hanggang sa sumabog ito sa dulo na nagbigay konklusyon sa mga hinagap. Maraming eksena na may kilometric line si Vilma rito. Napaalala rin sa akin ang era kung saan ang sukatan ng isang pagiging aktres ay nasa haba ng mga linya na kayang mamemorya. Pinagsamang sensuality at controlled acting ang pinamalas n’ya. Maigting din ang chemistry nila ni Bembol Roco rito.  

MALAN (Benji Garcia) Tungkol sa star-crossed lovers din ang pelikulang ito na idinirehe ng direktor (credited na s’ya ngayon bilang “B. Garcia Chicote) ng “Batad” noong 2006 (kung saan nanalo si Alchris Galura bilang Best Actor sa ikalawang Cinemalaya). Ang “Romeo” rito ay si Anton (Glen Antaran) na isang aktibista na nagpapalamig bilang trabahador ng tiyuhin sa Matin-ao (isang lugar sa Polomolok sa South Cotabato). Ang “Juliet” naman ay si Malan (Martha Nikko Comia) na isang katutubong B’laan na nakatakda nang ikasal. Nakuha ko naman ang unang punto tungkol sa pag-ibig na walang pader. Gets ko rin ‘yung naghuhumindig na stand nito sa politics n’ung dekada ’60 at ’70, pati na rin ang mahabang panahon bilang sukatan ng kadalisayan ng pag-ibig. Siguro ay masyado lang ambitious doon sa pagkukuwento, hanggang sa lumago na ito at mahirap nang iula. Sa katunayan, ang mga pinakagusto kong konsepto rito ay ‘yung nag-aanyaya sa mga manonood na maging bahagi ng isang komunidad ng mga B’laan. ‘Yung eksena sa kanilang korte, halimbawa, ay isang interesanteng bahagi at magandang palawigin pa.Refereshing din ang musical score ni Popong Landero rito. Ito siguro ang saving grace para sa akin ng pelikula.

Thursday, August 01, 2013

Ikaanim na Araw sa Cinemalaya 2013


Mas mabagal naman ang nasakyan kong taxi ngayon. Chill lang si manong kahit na 45 minutes lang ang allowance ko para makaabot sa CCP. Ngayon na ‘yung araw sa buong linggo na nagtatanong na ang mga tao ng mga best na para sa akin, so far, ay mahirap pakiramdaman. Hindi kamukha n’ung isang taon na marami akong nagustuhan at sigurado ako sa kung ano ang paborito ko. Inulit ko ang “Ang Nawawala” dahil wala na rin ako halos maisingit. Nagkaroon ito ng delay ang screening dahil sa tatlong oras na running time ng “Aguila” ni Eddie Romero.

Heto ang mga napanood ko sa araw na ‘to:  

DEBOSYON (Alvin Yapan) Noong bata ako, lumaki ako sa paniniwala na ang Kabikulan ay punung puno ng mga engkanto. Sa bawat pagpasok daw sa bayan ay kailangang sumambit ng “Tabi-tabi po” upang hindi magkasakit. May isang beach daw, halimbawa, sa may Daet na taun-taon ay pinag-aalayan ng buhay. Na-romanticize ng pelikula ang childhood fear na ito. Sa mga nagawa ni Alvin Yapan, ang “Ang Panggagahasa kay Fe” na siguro ang pinakamalapit na companion piece sa obrang ito. Doon ay tinalakay ang kapre bilang isang lalaki na nagbibigay ng proteksyon, kamukha ng knight in shining armor, sa babaeng mortal na binubugbog ng asawa. Dito naman ay baliktad. Ipinakita ang diwata bilang babaeng niluluhuran at inaalayan ng paghanga at pananampalataya, kamukha ng birhen ng Peñafrancia sa Naga. Kumpara sa mga naunang script ng writer/director, mas minimal ito pagdating sa speaking lines. Hinayaang i-explore ang materyal sa pamamagitan ng visual. Ang paulit-ulit na pagpapakita ng bulkang Mayon, halimbawa, ay isang pagbibigay ng emphasis na lumampas na tayo sa epiko, na ang demigod na si Oryol ay nilipasan na ng panahon ng kanyang asawang si Handyong o maging ng apo na si Makusog na ama naman ni Daragang Magayon (salamat sa “Ibalong, the Musical” ng Tanghalang Pilipino). Gustong ipakita na hanggang sa kasalukuyan ay nakikibaka pa rin ito sa pakikipag-ugnayan sa mga mortal kahit na nagkaroon na ang tao ng sariling sinasamba (relihiyon o kung ano pa man). Sa isang frame ay ipinakitang sumabog ang bulkan na tila nasa kontrol ni Oryol at hindi ng kung ano pa mang higher being. Kung tutuusin, s'ya ang manifestation ng pagiging deboto dahil sa walang katapusang paniniwala n'ya sa mga tao.

ANG NAWAWALA (Marie Jamora) Pangatlong ulit ko na ‘to at naapektuhan pa rin ako. ‘Yung isang eksena pa lang na sumalang ang “Minsan” ng Eraserheads, nakuha na naman ako. Inulit ko lang ‘to dahil sa dalawang aktor na sana ay may pelikula ngayon sa Cinemalaya: Alchris Galura (sa “Instant Mommy” sana) at JM de Guzman (sa “Sana Dati” sana).  

BRUTAL (Marilou Diaz-Abaya) Lutang na lutang sa materyal na ito ang pagka-at ease ni Ricky Lee, bilang manunulat, sa mga subject na tumatalakay sa mga kababaihan. Ewan ko, pero basta sa mga ganitong aspeto, parang ramdam na ramdam ko ang koneksyon n’ya sa mga babaeng nangingibabaw (Charo Santos bilang Clara), nangingilalim (Amy Austria bilang Monica) at ang nasa gitna (Gina Alajar bilang Cynthia). Hindi ko pa masyadong makita kung ano ang distinct na Marilou Diaz-Abaya rito bilang direktor maliban sa tema na tinatalakay (“Ikalabing-Isang Utos: Mahalin mo ang Asawa Mo”, “Milagros”, at iba pa). Kung meron man akong higit na hindi makakalimutan, ito siguro ‘yung presence ni Jay Ilagan bilang asawang mapang-abuso.

INSTANT MOMMY (Manolo Abaya) Base sa reaction ng mga nanood sa Main Theater kagabi, epektibo ang pelikula sa pagbuo ng build-up sa karakter ni Eugene Domingo (na hindi ako magugulat kung makakasungkit na naman ng Best Actress award sa festival) bilang isang wardrobe assistant na si Bechay na nagpanggap na buntis para sa kanyang nobyong Hapon (Yuki Matsuzaki). ‘Yun nga lang, hindi masyadong bumenta ang isang parte ng script na kailangang gumamit ng dream sequence. Hindi ito nakadagdag sa kabuohang integrity upang tuluyang ma-appreciate ang pelikula. Maliban d’yan, epektibo naman ito sa pagtawid ng isang comedy na hindi kailanman nahulog sa patibong na maging slapstick o mababaw. Ganito sana ang template ng mga pelikulang kinagigiliwan ng mas malaking audience.

Wednesday, July 31, 2013

Ikalimang Araw sa Cinemalaya 2013


Muntik na naman akong ma-late sa araw na ito. Bumuhos kasi nang pagkalakas-lakas ang ulan. Pero umabot din naman. First time kong nakanood sa MKP Hall ngayon at sadyang nakareserba raw pala ang couch para sa mga jury kahit na ikatlong set ng chimes na at wala pa rin. In short, hayaan daw itong bakante sa buong palabas, sabi ng usher na si Mike. Dahil eksakto ang dating ko, wala akong masyadong panahon sa rebuttal. So be it, kumbaga. Hindi pa rin ako nagbe-breakfast sa oras na ‘yun. Napansin ko na pangit ang audio sa venue. Parang masyadong loud sa size nito. Pero baka kasalanan lang ng operator. Ganyan din kasi ang pakiramdam ko sa operator sa Dream Theater. Parang hindi masyadong nakikialam sa relevance ng kanyang ipinapalabas (na baka naman natitiyempo lang sa itinerary ko).

Anyway, heto ang mga napanood ko:  

QUICK CHANGE (Eduardo Roy, Jr.) Ang unang take ko sa pelikula ay may napulot akong detalye tungkol sa kalakaran at kalakalan ng plastic surgery para sa mga baklang sumasali sa mga beauty contest o para sa mga personal na kadahilanan (halimbawa, ‘yung male escort na gustong magpalaki ng etits). May mga naririnig na akong kultura tungkol dito pero ngayon ko lang ito nakapulutan talaga ng insight. Klaro naman sa akin ang irony ng transformation ng bidang si Dorina (Mimi Juareza). Wala rin akong issue sa buong pelikula, maganda ang kulay, ‘singkulay ng mga karakter, at wala namang kaso sa script. At some point, natutunugan ko na lang kung saan at kailan liliko at kakambyo at ‘yun siguro ang weakness (kung masasabi mang weakness ito) ng pelikula. Mahusay ang dalawang suporta na sina Miggs Cuaderno (na mas na-appreciate ko rito kesa sa “Purok 7”) at Jun-Jun Quintana.  

SINULOG VIDEOS (Documentary) Ang peg ko sa pagpili nito ay ang mga entry na napanood ko dati sa Cinema Rehiyon. Sobrang taas ng expectation ko dahil tinitingala ko ang filmmaking industry sa Cebu (na tingin ko nga ay mas lumilipad kesa sa Manila). At doon ko unang nakilala si Remton Zuasola. Kaya naman nalungkot ako sa line-up na napanood ko. Wala akong masyadong matatandaan. Siguro ay dahil limitado ito para sa isang okasyon (Sinulog). Ang una ay ang “Cubismo” ni Ruel Rosillo. Interesting sana ang tema dahil gusto ko naman ang ilang nakita kong Picasso kaso walang English subs ang naipalabas sa Dream Theater. Sa ilang nasagap kong Cebuano, maganda ‘yung point sa parallel ng hugis ng cube at ang spirituality ng pintor. Pinakagusto ko, kung papipiliin ako, ang “Ang Katapusang Sayaw” nina John Lindsey Banaynal at Aldo Nelbert Banaynal na nag-document ng huling “sayaw”, literally at figuratively, ni Gov. Gwen Garcia. Puwedeng puwedeng materyal ito sa full length. Ang “A Journey of Faith” naman ni Lemuel Arrogante ay tungkol sa panatisismo ng mga Cebuano sa Sto. Niño. Masyadong flat. May dalawa pang docu na hindi credited sa program. Ang isa ay tungkol sa mga “higante” makers at isang pag-cover ng Sinulog mismo.  

ISHMA (Sari Lluch Dalena at Keith Sicat) May nag-buzz na sa akin na n’ung unang beses na napanood n’ya ang docu ay tumigil daw ito sa gitna. Hindi naman ito nangyari sa screening kagabi sa Little Theater pero may ilang segment na hindi pa pulido kamukha ng mga interview kay Bien Lumbera, na sa tuwing lalabas ay nagtatawanan na lang ang mga manonood dahil hindi in synch ang audio. Gusto ko ang mga napiling interviewees (na mas maganda sana kung hindi lang audio ‘yung kay Nora) at masinop ang pagkakasunud-sunod ng iba’t ibang mukha ni Ishmael Bernal bilang anak, artist, filmmaker at bilang Pilipino. Nagsabi ito ng detalye ng kanyang kapanganakan pero hindi nabanggit kung kelan at paano s’ya namatay. Ang dulo, sa katunayan, ay isang footage ng interview kay Bernal mismo na nagbabahagi ng kanyang stand tungkol sa vision n’ya sa film industry. Ang ambisyon yata ng docu ay magmukha s’yang buhay hanggang ngayon. Pero mahirap itong makamit. Wala kasing Bernal sa hanay ng mga filmmaker ngayon. Meron siguro pero nakakalat. Konting bohemia, konting art, konting pakikibaka at konting humor. Parang ostiya na isinusubo sa misa. Maraming nakatanggap at walang nanahan sa iisang katawan.  

LIARS (Gil Portes) Naabutan ko n’ung dekada ’90 ang balita tungkol sa mga batang baseball player na sumali sa isang world match sa US at nanalo. Habang jubilant pa ang mood ng Pinas, heto at ibinulgar ni Miriam Santiago (kung hindi ako nagkakamali) ang sinasabing pandaraya sa edad ng ilan sa mga player. Hindi ko nakita noon ang irony sa apila ng presidentiable na si Miriam sa pagkahalal kay FVR at ang pandaraya upang manalo sa baseball. Ganyan ang ginawa sa materyal na ito ni Senedy Que na inilipat na lang sa taong 2001 kung saan merong impeachment trial kay Erap. Nakitaan ko naman ng pagkapuro ang intensyon. ‘Yun nga lang, hindi masyadong matatas ang execution. Naalala ko ang pagkakadirehe noon ng mga info-mercial ng PCSO, may ganoong dating ang pagkakadirek sa mga eksena. Ang iniisip ko ay kung ano kaya ang iniisip ng direktor na iisipin ng kanyang manonood kapag pinanood ang pelikula. May mga insidente na halos isunganga na sa bunganga mo ang iba’t ibang take sa kahirapan, domestic violence, investigative journalism at integrity na parang wala kang clue kung ano ang mga ito. Nananatili lang ako hanggang matapos ang end credit dahil sa musical score ni Teresa Barrozo na nag-iisang pleasant experience sa pelikula.

Tuesday, July 30, 2013

Ikaapat na Araw sa Cinemalaya 2013


Ang unang bumungad sa akin sa araw na ‘to sa CCP ay ang anunsyo ni Soler na meron nang program. Kinuha ako agad matapos akong papirmahin sa isang print-out ng listahan ng mga kumuha ng pass (na umabot na raw ng higit 200 para sa maximum na 300). Doon ko lang nalaman na ang jury pala ay binubuo nina Peque Gallaga, Carlitos Siguion-Reyna, Ditsi Carolino, Maggie Lee (“Canadian film critic”, ayon sa program) at Bastian Meiresonne (“French-Asian movie specialist”). Sa NETPAC naman ay sina Doy del Mundo, Jr., Maryo J. Delos Reyes at Ngo Phuong Lan (“film critic from Hanoi”). Medyo kalmado na ang daloy ng festival.

Lahat sa Main Theater ko napanood ang line-up ko sa araw na ‘to:  

AMOR Y MUERTE (Ces Evangelista) Siguro ang peg nito ay magkaroon ng project na mapapaglagay ng erotisismo sa isang period movie. Nasa 16th century ang panahon at isang Pilipina ang umaariba ang libido sa piling ng kanyang asawang Kastilang sundalo. Wala namang kaso sa pag-inject ng sex. Sa katunayan, isa itong refreshing idea matapos mawala ang mga ganitong klase ng proyekto (ST films o kahit ‘yung mga pelikula nina Peque Gallaga at Celso Ad Castillo na ganito ang tema) at natabunan ng mga gay-themed films na pinapalabas sa Robinsons Galleria (ibang usapan na ito). Nakakita naman ako ng maturity sa filmmaking dito. ‘Yung production design, halimbawa, ay maayos naman. Kahit ‘yung photography at ilang costume. Ang major offense lang para sa akin ay ang pag-cast kay Markki Stroem bilang isang sundalong Kastila. Napaka-complex kasi n’ung mga hinihingi ng character. Una, kailangang sensual dahil maraming eksena ang humihingi ng hubaran. Ikalawa, siyempre, ‘yung pagsasalita ng Kastila at sensibilidad na inaasahan mula rito (mataas, hambog at matapang). Ikatlo, ‘yung trauma na isinusuka ng nakikipaglaban sa giyera at ‘yung poot na paghuhugutan para sa isang lalaking umiibig at napagtaksilan.  

SHORTS A: PARA KAY AMA (Relyn Tan), TAYA (Adi Bontuyan), BAKAW (Ron Segismundo), MISSING (Zig Dulay) at TUTOB (Kissza Mari Campano) Napanood ko na ang “Para kay Ama” bilang kasali sa Short Film Programme ng Cinema One Originals n’ung isang taon. Isa itong pagtalakay sa kultura ng mga Chinese na ang inaasahang papalit sa responsibilidad ng ama ay ang anak na lalaki dapat. Kinunan ang buong dilemma sa isang long take na walang putol (kamukha ng “Ang Damgo ni Eleuteria” at iba pa). Siyempre, gusto ko ang theatrics ng konsepto at ang pag-cast kina Che Ramos-Cosio bilang panganay na babaeng anak at Shamaine Buencamino (bilang ina). Gusto ko rin ang paglabas-pasok ng bidang tauhan bilang paglalarawan ng kanyang pagpupumiglas sa tradisyon. May kurot ang “Taya”. Parang bigla na lang kasi akong naawa r’un sa mga bata kahit na walang subtlety ‘yung pagkakalatag ng materyal. Ang “Bakaw” ay napanood ko na rin kung saan. Hindi ko matandaan. Malakas ang advocacy nito tungkol sa mga batang nagnanakaw ng isda sa Navotas fish port. May appeal sa akin ‘yung chase scene. Ewan ko ba, parang uma-irony sa pagdampot ng isda. Sa “Missing”, tumalakay ito sa mga desaparecidos at kinunan ang buong feature sa B&W at pula. Tingin ko, magandang i-explore sa full length ang tema nito na halos nasa linya ng dulang “Habang May Nawawalang Lalaki sa Dilim” ni Marlon Mente. At least ngayon, puwede na akong kumalma na tama ang pagkakabasa ko sa ending ng “Ekstra” na isinulat din ni Zig Dulay. Technically, OK sa akin ang “Tutob”. Manipulative lang d’un sa gusto nitong tumbukin na diskrimnasyon sa mga kapatid nating Muslim (specifically ang mga nakasuot ng tutob).  

DAVID F. (Emmanuel Palo) May tatlong timeline ang pelikula. Una ay ‘yung panahon ng giyera sa Pilipinas noong pagpasok ng 20th century. Tumalakay ito sa kuwento ni David Fagen na isang Afro-American na bumaligtad sa hukbo ng mga Amerikano at kumampi sa mga Pilipino. Kung hindi ako nagkakamali, ang act na nagtatalo ang dalawang Pilipino sa pagpugot ng bihag na Amerikano at nagamit na sa isang dula sa Virgin Labfest (at si Liza Magtoto rin ang sumulat, kung hindi ako nagkakamali). Natuwa lang ako na nasa screen na ito at dalawang mahusay na aktor ang gumaganap (Sid Lucero at Art Acuña). Ang ikalawang segment naman ay nasa dekada ’40 noong panahon ng Japanese occupation. Ipinakita na may koneksyon ang unang period sa ikalawa at tumalakay pa rin sa kung paano tumingin sa kulay. Gusto ko ‘yung pagkaka-execute dito, ‘yung color grading, ‘yung costume at production design. Kahit panandalian lang ay nakita ko naman ang effort ng filmmaker na itawid ang manonood sa kapayakan ng buhay noon (kahit payak din lang ang budget). Ang ikatlo, at pinakamukhang disjointed sa unang dalawa, ay tungkol sa Amerasian (Dax Martin) na naghahanap ng tatay sa Angeles City sa kontemporaryong panahon. Parang merong statement sa paggamit ng comedy bar bilang isang espasyo sa paglibak ng kulay at kung paano tinatanggap ng kultura natin ang pagtawa sa mga okrayan. Ang final product, nagkaroon sa akin ng dating na parang magkakakonek ang tatlong kuwento na parang hindi naman, magkakaiba pero parang hindi rin naman. Ako na lang ang nag-connect the dots. Kung deliberate ang ganitong execution, bumenta sa akin ang pelikula.

SANA DATI (Jerrold Tarog) Gets na natin minsan ang mga eksena na na ang babaeng ikakasal ay nagkakaroon ng cold feet (salamat sa nawawalang sapatos sa pelikula sa pagbigay ng suhestiyon), sa totoong buhay man o maging sa mga pelikula. Pero hindi pa nagsi-sink in sa atin na ang gustong i-highlight ng kasal ay ang walang kamatayang sigalot sa pagitan ng puso at utak. Puso, dahil mahal mo dapat ang mapapangasawa mo at utak dahil point of no return na ito na bahagi ng buhay mo. Mula sa POV ng bride (Love Poe na napakagaling dito, pinakamagaling n'ya para sa akin) ang buong kuwento. Pinalawak nito ang agam-agam sa maraming bagay: sa pagkalimot sa true love (Benjamin Alves) na hindi na mababalikan o sadyang fickle-minded lang ang ikakasal dahil nahaharang s’ya sa pressure ng pamilya at mga kaibigan sa naoohang kasalan. Noong una ay inilatag ang premise na dapat ay sigurado ka (ginagamitan ng utak kesa puso) sa pagpapakasal. Isang karakter (Paulo Avelino) ang naging trigger dito upang masubok ang kasiguraduhan. Pero lumang kuwento na ‘yan at alam ito ng tagakuwento. Sa dulo, ibinasura ng storyteller ang argumento at naglatag ng iba pa, na ang puso ay kailanman hindi natatalo ng utak, na ang kasal ay wala lang at kailanman hindi naging starting point o finish line sa formula ng pag-ibig at ang regular heartbeat ay kasing fluid ng buhay. Sa totoo lang, nablangko ako matapos itong mapanood. Speechless. Andami kasing puwedeng pulutin, andaming puwedeng bigyan ng interpretation. Napaka-powerful ng isang pelikula kung wala kang napansin sa technical nito at nakatutok lang sa content. Ibig sabihin, lahat ay gumana. Parang matapos ma-experience ang “Sana Dati”, nagkaroon din ako ng duda kung naniniwala pa ba ako sa pag-ibig o umiindak na lang.

Monday, July 29, 2013

Ikatlong Araw sa Cinemalaya 2013


Lunes ang pinakapatay na araw sa CCP. Sa katunayan, ‘yung ilaw na nakabaybay ng Cinemalaya sa itaas ng Main Theater ay literal na nakapatay rin. Pinansin ko ‘yun. Sabi ng isang bubwit, “Eh siyempre, nagtitipid. Pansinin mo, ang init-init ngayon.” Tsaka ko lang naalala na, oo nga, ano, parang hindi ko na kailangan ng jacket sa Dream Theater (akala ko ay tumataba lang ako lalo). Muntik na akong ma-late kanina sa unang screening. ‘Sakto na ‘yung chimes na ang naabutan ko.

Heto ang mga napanood ko sa araw na ‘to:  

ANI (Short Feature) Dalawa sa limang ipinalabas dito ay napanood ko na. Well, nakalimutan ko ‘yung “Imik” ni Anna Isabelle Matutina (at wala s’ya sa program) pero ‘yung “Mani” ni Hubert Tibi ay natatandaan ko na kasali sa line-up ng Cinema One Originals noong isang taon. Kuhang kuha ako ng “Au Revoir, Philip” (Sigrid Bernardo). Isa itong love letter sa Pilipinas o sa mga migrante. Bale found footage ito at sinahugan na lang ng narration upang makapagkuwento (ganito rin ang estilo na ginagawa ni John Torres sa iba n’yang pelikula). Coherent ang mga kuwento sa subject at hindi kailanman ay hindi lumampas sa nais iparating. Ang mga imahe sa segment ng mga batang sina Marie at Juliette sa isang probinsya sa France ay may kakaibang charm at very promising. Panandalian kong nakalimutan na Pinoy ang filmmaker nito. Ang “Saranghae my Tutor” (Victor Villanueva) naman na tungkol sa ugnayan ng mga English tutor sa Cebu sa mga Korean student ay isang pagpapatunay na gusto ko talaga ang topak ng “My Paranormal Romance”. Sana gumawa pa ng mga ganitong pelikula bilang pambalanse sa mga komedyang nakasanayan na. Ang “Potluck” ni Louis Sweeney ay medyo offensive sa umpisa sa matatas na pagkaka-stereotype ng mga Pinoy sa Amerika. Pero wala naman akong gauge dito upang husgahan. Baka naman may ganito talagang Fil-Am community na parang mafia ang treatment sa mga bisita. Bumawi naman sa redeeming value sa dulo.

JAZZ IN LOVE (Baby Ruth Villarama-Guttierez) Appealing ang look ng documentary na ito considering na maliit lang ang budget. Ang konsepto ay parang “Tundong Magiliw” o “Bukang-Liwayway” rin na nakakababad lang ang camera at hinahayaang dumaloy ang love story sa pagitan ng Pinoy na si Jazz at ang kanyang kasintahang German na si Theo. Sa pagitan ng mga salita ay ang ilang imahe ng nature (ulan, sunrise, sunset, mga halaman, mga bulaklak) at ito ang pinakagusto kong parte ng docu. Naalala ko ‘yung tagline ng “Brokeback Mountain”, na incidentally ay gay-themed din, na “Love is a force of nature” daw. Kamukha ng kasiguraduhan ng pagpatak ng ulan o paglubog ng araw ay ang mga gesture ni Jazz na parang in love na in love naman ito sa kanyang kasintahan na hindi hamak na mas matanda sa kanya, as opposed sa ideya na baka ekonomiko ang dahilan. Nakuha ko naman ang pagkakahabi ng konsepto at ang lapat ng camera o pagkaka-edit ay walang bahid ng diskriminasyon sa subject na medyo taboo pa sa Pilipinas (o specifically, sa isang maliit na baryo sa Malita, Davao). ‘Yun nga lang, hindi ako masyadong pinakalma ng isang tanong: Kung hindi ba bading si Jazz, gagawin pa rin ba ang kanyang kuwento?  

ANG PINAKAMAGANDANG HAYOP SA BALAT NG LUPA (1974, Celso Ad Castillo) Hindi ko alam pero nang mapanood ko ito, doon ko lang napansin na malakas makapagkuwento si Celso Ad Castillo ng mga kuwentong masyadong nakakabit sa panahon. Nagduda tuloy ako kung kahit ‘yung remake nito kasama si Ruffa Gutierrez ay kayang gumawa ng kaukulang bindikasyon para sa dekada ’90. Andami na rin nating filmmaker ngayon na kayang makapag-frame ng mga bucolic na lugar pero walang matapang magdagdag ng poesiya (o sariling Bibliya) nang buong buo at walang pakundangan. Isulong sana ang pagre-restore/remaster sa kopya ng pelikulang ito.  

REKORDER (Mikhail Red) Ang desisyon na makapanganak ng isang film noir ay malaking bagay. Ito siguro ang pinakagusto kong aspeto sa pelikula, ‘yung buong buo ang vision ng filmmaker kung paano s’ya makakapagkuwento visually. ‘Yung mga homemade video na lumabas sa pagitan ay comfort zone din, sa tingin ko, ng gumawa. Sa totoo lang, na-hook ako sa malaking bahagi ng pelikula. Ang tema mismo ay pang-Best Film: isang cameraman mula sa golden era ang nagka-camcord na lang sa mga sinehan upang makatawid sa buhay. Pero merong area na tingin ko ay hindi masyadong nasaklaw ng storyteller, partikular ang isang malungkot na alaala sa pagkawala ng mahal sa buhay. Hindi ko lang masyadong nagawan ng koneksyon ang resolution at ang bigat na dinadala ng central character sa pagkapit nito sa nakaraan. Siguro ay merong statement dito tungkol sa technology na sabihin na nating kumitil sa pagkarami-raming sinehan. Kahit ako naman mismo ay hesitant pa ring sumabay sa agos ng pagda-download sa internet. Kamukha ng bida, baka ayaw ko ring iwanan ang nakalipas na simple lang ang buhay at kasing-payak ng pagpunta sa sinehan n’ung nasa grade school at ang panonood ng may kadobol. O puwede ring decay ang tema, na ang mga bagay na kumikinang noon ay puwedeng maging patapon na lang ngayon. Mahusay si Ronnie Quizon dito. Sustained ang kanyang karakter mula umpisa hanggang dulo kahit walang speaking lines minsan.

Sunday, July 28, 2013

Ikalawang Araw sa Cinemalaya 2013


Dahil Linggo, kadalasan na ito ang araw na merong pinakamaraming pumupunta. Medyo mas maaga akong dumating kaya nagpalipas muna ng oras (at nag-agahan na rin) sa Harbor Square. Nawala na ‘yung jitters n’ung unang araw kaya kalmado lang na tumakbo ang buong araw. Napansin ko lang na minsan ay nawawala na ‘yung silbi ng Priority Lane dahil nagpapapasok na ng regular ticket holder ang festival staff kahit hindi pa tapos ang pila para sa mga pass. May nakita akong umalma rito pero parang hindi naman pinagbigyan.

Dalawang pelikula sana ni Ate Vi ang mapapanood ko ngayon pero nagdalawang isip ako sa “Burlesk Queen” dahil mas enticing ‘yung docu section ng Ani. Hindi rin daw nagpakita si Ate Vi, sabi ni Nico, at pangit daw ang kopya na ipinalabas. Mabuti na lang. Tutal, manonood din naman ako ng isa pang Celso Ad. – Vi tandem (“Pagputi ng Uwak, Pag-itim ng Tagak”) sa ibang araw.

Heto ang mga inani ko sa araw na ‘to:

BABAGWA (Jason Paul Laxamana) Very satisfying ang pelikula. Una, madali s’yang maabot. Kung may mga kaibigan akong hindi masyadong nanonood ng Cinemalaya, puwede itong mairekomenda dahil ganito ‘yung daloy ng pagkukuwento na nakasanayan na natin. Ikalawa, naka-deliver na naman si Jason Paul Laxamana. Ibang iba ito sa kanyang “Astro Mayabang” (na ang humor ay bihirang bihirang makita sa Philippine cinema, kamukha ng “My Paranormal Romance” ni Victor Villanueva). Tumalakay ito ng isang isyu (online scam) na napapanahon at kinakailangang dantayan ng pagmamatyag. Bagama’t masyadong loud ang planting na ginawa (mga “projection” scene), nakuha naman akong ma-hook sa huling ilang minuto rito. Gusto ko rin ang script. Para sa akin, isa itong example kung paano i-explore ang isyu sa mga what-if at kung paano ito mahahanapan ng irony. Mahusay si Alex Medina rito. Dinamita! O maging si Joey Paras kahit na lutang ang effort. Ang ganda rin ng execution ng mga sex scene, napakanatural at hindi kailanman nagtangkang maging erotic.

ANI (Documentary) Mas interesante naman ang line-up sa docu kesa sa animation/experimental ng Gawad CCP. Ang unang docu ay surprisingly kasama si Robin Padilla. “Ang Misyon sa Bundok Apo” (Jophel Ybiosa) ay ang pag-document ng pag-akyat ng aktor sa tuktok sa Mt. Apo kasama ang ilang guide. Walang halong palabok ang material at hindi ito kailanman naging though provoking pero magandang makita ang kanilang struggle sa pag-akyat na inaabot pala ng halos isang araw. Short and sweet naman ang “Hapi Libing” (Steve Cardona) na nagpakita ng ilang sound advice ng tamang outlook sa buhay mula sa mga taong namamahala ng sementeryo. May texture ang docu na parang isang filter sa Instagram na nakadagdag sa pagka-feel good nito. Tungkol din sa mga opinyon ang “The Quiapo Perspective” (Inshallah Montero) na tumalakay naman sa oxymoron ng pagkakaroon ng perya (pampalaglag, pamparegla at iba pa) sa tabi ng mismo ng simbahang Katoliko. Ang huli, ang “Walang Hanggang Buhay ni Leonardo Co” (Nannette Matila) ay tungkol sa napaslang na magiting na botanist sa gitna ng kanyang passion at serbisyo. Malinaw ang picture na gustong mabuo nito sa subject at mula rito ay ang panghihinayang sa kanyang pagkawala at sa pagdadalamhati na rin sa kung anumang walang kawawaang karahasan sa bansa.

EKSTRA (Jeffrey Jeturian) Ang strength ng pelikula ay ang script nito (na nakapangalan sa tatlo: Zig Dulay, Antoinette Jadaone at Jeffrey Jeturian). Kahit na nagpaka-real time ito (upang maramdaman ng audience ang exhaustion na hinihingi ng isang bit player) o tipong nagpapaka-a day in the life of lang, ramdam na ramdam na meron itong script. Nai-shoot nito ang point nang lapat na lapat. Klaro ang motivation ng central character kung bakit ginagawa n’ya ang mga bagay na pinaghihirapan n’ya. Isa rin itong dahilan upang samahan natin si Loida (Vilma Santos) sa kanyang pakikipaglaban sa araw na ‘yun. May tendency na magpaliwanag masyado kung anu-ano ang mga ginagawa sa produksyon pero nasolusyunan naman ito sa paggamit ng isang karakter na baguhang ekstra. Maging ‘yung tanong sa dulo bago matapos ang pelikula, naselyuhan nito ang halaga ng ginagawa natin hindi lang bilang isang taga-film production kung hindi bilang trabahador na rin sa Pilipinas sa pangkalahatang perspektibo. Nakuha rin ako ng humor ni Jeturian dito. Tingin ko, sensibilidad n’ya ang ganitong wit at wala akong makitang direktor ngayon na nasa ganitong level. Ngayon na lang ulit ako natawa sa kanya mula roon sa isang eksena sa “Pila Balde” kung saan kumain ng panis na hopya si Estrella Kuenzler. OK naman si Vilma rito. Masayang makita na ang mga shining moment n’ya rito ay ‘yung mga eksenang tumatawa s’ya. Pero dahil Vilmanian si Jeturian, hindi naman puwedeng walang eksena na aangat si Vilma sa mga nakagamayan na. Gusto ko ‘yung nakikipagpagalingan s’ya para sa isang role bilang katulong. Maliban sa larger than life na presence ng bida, umangat din ang mga suporta rito: Marlon Rivera (bilang soap opera director at so far, s’ya ang aking bet para sa Best Supporting Actor sa Directors Showcase), Tart Carlos (bilang kapwa ekstra at sounding board ng bida) at Ruby Ruiz (bilang Josie).

Sa side note, ganito palang manood ng Vi movie na ang katabi mo ay isang ultimate Vilmanian. Bago mag-umpisa, hindi mo mahagilap dahil parang bomb specialist na iniisa-isa ang mga entrance at exit ng Main Theater kung saan papasok ang mga artista. At malakas din ang tawa n'ya r'un sa isang linya na "Eh bakit si Nora Aunor?"

TRANSIT (Hannah Espia) Naglatag ang pelikula ng isyu tungkol sa mga batang migrante sa Israel na may edad apat na taon pababa na dine-deport pabalik sa Pilipinas. Sa unang bahagi pa lang ay na-explore na ito at hinayaang nakabuyangyang hanggang dulo. Bilang manonood na nasa Pilipinas, wala akong nakuha kung ano ba ang puwede kong magagawa rito. Ano ba ‘yung dapat kong maramdaman tungkol sa kanilang kalagayan? Ano ba ang puwede nitong parallel sa Pilipinas o sa mga anak at magulang na Pilipino na nandito? Kumbaga sa isang computer program, nag-spaghetti loop para sa akin ang premise. Iniisip ko na lang na merong Biblical reference ang sub-plot ni Ping Medina at ang kanyang anak (Marc Justine Alvarez na malakas ang screen presence) na a la-“Man of Steel”. O ‘yung mga polisiya noong panahon ng batang si Hesus tungkol sa mga sanggol na pinapatay at mga kamukhang kuwento nito. Kung ito ang nais tumbukin mula sa umpisa, hindi na siguro kailangan ang devise tungkol sa iba’t ibang POV dahil hindi naman nakatulong talaga. Mahusay ang cast pero parang napanood ko na sila sa ibang pelikula na mas kuminang ang performance. Pero maliban d’yan, gustung gusto ko ang direksyon dito. Para sa isang baguhan na kamukha ni Hannah Espia, isa itong achievement. Mahirap manganak ng pelikula na ganito kabuo ang final product at may kontrol sa pagpapaarte sa cast at sa look and feel (na pinakagusto kong aspeto) ng pelikula.

Saturday, July 27, 2013

Unang Araw sa Cinemalaya 2013


Hindi ko na nagawang maisingit ang pagdalo sa opening night noong Biyernes (July 26) dahil unang una, malakas ang ulan noon (na parang teaser lang mula sa huling araw ng festival n’ung isang taon). Kung puprusisyon pa ako mula sa panggagalingan ko sa BGC, aabutin ako ng siyam-siyam sa EDSA. Ikalawa, ipapalabas naman ulit sa ibang araw ang opening film na “Jazz in Love” ni Baby Ruth Villarama-Gutierrez. Ikatlo, ayokong manood ng mga trailer sa opening program.

Kaya ayun, kanina lang ako nakapunta sa CCP bitbit ang season pass (P3,000 ngayong taon na ito para sa lahat ng pelikula, competition man o hindi) at ang hindi masyadong pamoso na katagang “indie spirit”. May patsi-patsi pa rin ng nagbabadyang ulan nang ako’y dumating pero pinaghandaan ko naman ito (payong, jacket at mga sapatos na puwedeng mabaha). Katulad ng inaasahan, meron pa ring nagi-inspeksyon ng bag pero hindi na ako tinanong kung may dala ba akong camera (baka bukas, tanungin na ako). Halos 10 minuto na lang bago mag-umpisa nang galugarin ko ang entrance papuntang Dream Theater. Marami nang tao. Marami na ring notice ng sold-out lalo na sa mga maliliit na tanghalan kamukha ng MKP at Tanghalang Huseng Batute. At sa buong araw, bumaha rin ng mga kakilala (ilan sa kanila ay nakikita ko lang kapag merong Cinemalaya).

Para sa unang araw, heto ang mga napanood ko:

ANI (Animation/Experimental) Taun-taon ay merong ganitong screening na isang koleksyon ng mga nagwaging video sa Gawad CCP. Natuwa lang ako na properly credited na ang mga filmmaker sa flyer. Walang lumutang sa akin para sa line-up ngayon pero masasabi ko naman na good trip pa rin ito. Sa animation, halimbawa, marami namang promising lalo na’t halos college-based ang ilang produksyon. May pagka-animated short ng Pixar ang “Kaleh and Mbaki” (Dennis E. Sebastian) tungkol sa isang manlililok at isang ibon at nakapaglatag naman ng texture ang “Marianing” (Nico Salazar) kahit na wala naman itong naikuwento talaga. Muntik nang hindi maipalabas ang mga eksperimental dahil mukhang hindi naabisuhan ang mga nasa projection room. Sa section na ito, gusto ko ang “Pikit sa Alas-Tres” ni Mark Sherwin Maestro dahil nadakot nito ang angst ng isang call center agent (sleeping habits, monotony at iba pa).

YANAN (Mae Urtal Caralde) Na-hook ako ng material ng docu na ito tungkol sa isang nanay (“yanan” kapag ibinaliktad) na NPA at kung paano n’ya pinalaki ang mga anak kahit na malayo sa kanya at nasa piling na ng bagong pamilya ng asawa. Nakita ko sa mga mukha ng mga anak na optimistic sila at mukhang lahat matatalino. Sa pagitan ng mga interview na malakas makakurot, ipinapakita ang ilang clips mula sa libing ng ina na may bahid makakaliwa. ‘Yun nga lang, parang isang bahagi lang ang docu na pinitas mula sa mas malaki pang larawan. Parang marami pa itong puwedeng palawigin at parang meron pa itong kailangang tahiin sa dulo.

BUKANG LIWAYWAY (Pabelle Manikan) Kadobol ito ng “Yanan” bilang kasali sa feature na “Cinemalaya Documentaries”. Hindi hamak na mas kumpleto naman ito kahit na hindi kasing warm n’ung una. Malapit ang atake sa “Tundong Magiliw” ni Jewel Maranan (na apparently ay creative consultant dito at sa “Yanan”) at maganda ang na-capture na immersion ng dokumentarista. Tungkol ito sa isang babaeng buntis ng tatlong buwan na may matinding karamdaman at ang pang-araw-araw na buhay n’ya kasama ang ama at isang albularyo. Maraming puwedeng pag-usapan. Puwedeng tumbukin ang medical na plataporma ng gobyerno para sa mga hindi kayang magpa-ospital o puwede ring advocacy ito para sa mga albularyo natin na nakapako sa mga tradisyonal na paraan ng panggagamot.

PUROK 7 (Carlo Obispo) Ito ang unang competition film ko para sa taong ito at hindi ako masyadong masaya. Malapit sa akin ang milieu dahil lumaki rin naman ako sa probinsya at may mga kaklase akong umuuwi pa sa kani-kanilang baryo (tawag namin dito sa Quezon ay “linang”) mula sa sentro. Nag-umpisa ang pelikula sa isang serye ng mga palaro sa isang rural area sa norte. Maganda sana ang introduksyon dahil nakuha nito sa camera ang katapatan ng emosyon ng mga naninirahan doon. Para sa akin, hindi ito madaling maabot lalo na’t isa itong crowd scene. Mula rito ay sinundan ng audience ang buhay ng magkapatid na sina Diana (Krystle Valentino na isang revelation para sa unang pagganap sa pelikula) at Julian (Miggs Cuaderno) na parehong inabandona ng kanilang ina na nasa death row sa China for drug trafficking samantalang ang ama ay may bago nang asawa at nakatira sa ibang bahay. Siyempre, ang unang tanong ko, bakit sila hinahayaang mabuhay na wala man lang guardian? Wala ba silang ibang kamag-anak man lang? Sa pagitan ay ang nakabinbing paghanga ni Diana sa kababatang si Jeremy (Julian Trono). Dito rin sa mga eksenang ito nababasag ang mga drama sa buhay ng magkapatid. Base sa mga nagtitiliang grupo sa audience, mukhang epektibo ang segment tungkol kina Diana at Jeremy. Bagama’t stellar ang pagganap ng bidang babae, hindi ko naman masyadong maramdaman ang authenticity ng rural setting. Ang batang si Julian, halimbawa, ay maayos ang pronunciation ng “TV” subali’t hindi n’ya alam kung ano ang “burger”. Wala rin akong makitang character sa lugar. Parang kahit ilipat ang backdrop sa urban area, mukhang gagana pa rin ito. Natuwa lang ako na tinapos ang agony nang walang kaabog-abog, walang emotional breakdown at wala ang required na resolution. Ayoko na sanang sabihin at baka mahusgahan na isang sarcasm pero sobrang nagustuhan ko ang movie poster nito at 'yung dalawang dance number sa pelikula. Mahusay 'yung choreo at magaling na dancer si Julian Trono.

Matapos ang screening, nagkaroon ng maiksing Q&A segment. Medyo nakakadismaya lang ang karamihan sa mga tanong kamukha ng "Nasaan si Jeremy (Julian Trono)?" at "Kung hindi ikaw ang director ng pelikula, ano ang rating mo rito?" Isinalba na lang ng pinakahuling tanong tungkol sa stand ng director sa injustice sa mga Pinoy sa China.

THE PRIVILEGED MIGRANTS (Rica Arevalo) Comfort zone ang documentary na ito na nangumusta sa mga dating high school classmate sa St. Scho ng filmmaker. Lahat ng subject ay pawang mga migrants na sa iba’t ibang bahagi ng mundo (US, China, Thailand, Singapore at Canada). Hindi nga lang lahat sa kanila ay nasa estado na ng contentment. Gusto lang namang i-highlight na mas masarap pa ring tumira sa Pilipinas kahit na wala ang kaawalwanan. Alam na natin halos lahat ‘yan. Ang pinakagusto ko lang ay ‘yung kuhang kuha sa camera ang tiwala ng subject sa filmmaker dahil magkakaibigan sila. Mahirap minsan na manakaw ang mga ganoong level ng emotion.

Monday, June 03, 2013

Mga Babae sa Likod ng Tagumpay (at Pagkabigo)

 
Nine
Produksyon: Atlantis Productions
Direksyon: Bobby Garcia
Mandudula: Arthur Kopit (halaw mula sa pelikulang “8 1/2” ni Federico Fellini na unang ginawan ng libretto ni Mario Fratti na may pamagat na “The Italian”)
Libretto at Musika: Maury Yeston
Mga Nagsiganap: Jett Pangan, Menchu Lauchengco-Yulo, Carla Guevara-Laforteza, Jay Valencia-Glorioso, Eula Valdes, Cherie Gil, Ima Castro, atbp.

Kung ilalagay sa lokal na atmospera ang dula, napakahirap nitong maabot. Malaking porsyento sa ating mga film director ay walang kamukhang estado ng pinagdaanan ni Guido Contini (Jett Pangan), isang pamosong Italian filmmaker na nahaharap sa sariling mid-life crisis. Kadalasan na ang kalakaran sa industriyang Pinoy sa ngayon ay nakakadena sa mga nakahain nang konseptong pangpinansiyal ng mga producer o ng line-up para sa mahabang pila ng mga nakakontratang talent nito. Si Guido, 40 taong gulang, ay hindi makabuntis ng ideya para sa susunod n’yang pelikula habang ang mga babae sa kanyang buhay ay nag-uumpisa nang pumarada sa kanyang harapan: ang asawang si Luisa (Menchu Lauchengco-Yulo), ang kanyang namayapang ina (Jay Valencia-Glorioso), ang kanyang kabit na si Carla (Carla Guevara-Laforteza), ang kanyang musa na si Claudia (Eula Valdes), ang kanyang producer (Cherie Gil) at ang prostitute na si Sarraghina (Ima Castro) na nagbukas ng kanyang muwang noong s’ya ay siyam na taong gulang pa lang.

Ang luho ng artistic freedom ni Guido ay hindi naging ganoon kadali. Bagama’t isa itong pandayan ng kung ano pa mang maaaring mailuwal, isang level kung saan malaya ang pagtitimpla o pagbabawas ng mga sangkap sa bagong pelikula, naging sagabal ito upang maiiri ang inaasahan sa kanya bilang artist. Ang mas pamosong tawag dito ay mid-life crisis. Isa itong pader na binuo ng mga agam-agam mula sa mga unang nagawa (sa kaso ni Fellini, ang kanyang walo at kalahating pelikula) at ang kawalan ng kumpiyansa sa mga maaari pang maibigay. At dahil isa nga itong pader na hindi agad-agad matitibag, walang magagawa si Guido kung hindi bumalikwas ng direksyon at harapin ang mga taong bumuo sa kanyang artistry. Hindi lang naging madali ang lahat na ang ilan dito, kabilang ang babaeng kanyang pinakasalan, ay bumalikwas din. Sa dulo, ang kanyang gatilyo upang tumuloy sa pagrolyo ay ang kanyang sarili kung kailan ito puro at walang dungis, ang kanyang siyam na taong sarili.

Malakas makagulat ang stage design ni David Gallo. Halos mula stage floor hanggang kisame ang kinain nito. Isa itong recreation ng isang traditional bath house sa Venice na hinati sa iba’t ibang level na parang ilang hagdan at ang bukal ay nasa pinakaibaba. May kakaibang psyche na ang lugar kung saan nanggagaling ang tubig ay madalas ginagamit para sa blocking ng bidang si Guido at ang kanyang asawa (o ang ikalawa o ikatlong pinamalapit na babae sa buhay ng direktor) samantalang ang ibang mga babae ay nakapuwesto lang sa mga hagdan. Kung tutuusin, kung ang ticket mo sa produksyon na ito ng Atlantis ay nasa balcony, mapapanood mo pa rin ito nang walang panghihinayang.

Nagkaroon lang ako ng maikling argumento sa isa mga staff dahil ang napili kong extra seat sa balcony ay wala na talagang makita dahil kapantay nito ang isang hilera ng mga upuan. Ideal na ang mga ganitong seat ay merong babala mula sa nagbebenta ng ticket at nasa disposisyon na ng manonood kung susugal pa rito o hindi na. Hindi ko nagustuhan ang burgis na paliwanag ng staff (na sa dilim ay nakikita kong sumasabay sa mga pagkanta ng mga nasa stage), na parang gan’un daw talaga. Dahil dito, isinoli ko ang ticket at kumuha ako ng iba kahit na may karagdagang bayad. Naisip ko na lang na sa sobrang pagkaaliw ko sa set, nararapat lamang na mamuhunan dito ng mas malaki.

Unang beses kong napakinggan ang song selection ng musical (hindi ko napanood ang film version ni Daniel Day-Lewis). Madali naman silang maabot lahat. Ang ilan, sa katunayan, ay may bahid ng pagka-radio friendly. Sa mga nagsiganap, pinakagusto ko ang kontrolado at bihasang atake ni Menchu Lauchengco-Yulo bilang Luisa. Nakuha n’ya ang hinihinging pagkabanayad ng isang asawang sumuko na sa masalimuot na machismo ng kanyang kabiyak. Scene stealer naman si Carla Guevara-Laforteza bilang Carla at nakatawid ang kanyang take na mapaglaro at mapangahas na kerida. Mapanuyo rin ang boses ni Jay Valencia-Glorioso at naramdaman ko ang comfort na kayang ibigay ng isang ina. Vocally ay naka-deliver naman si Jett Pangan. Hindi ko lang nakita ‘yung complexity ng isang artist sa kanya na nanunulay sa pagitan ng paghabi ng isang obra at sa mga babaeng nakapaligid sa kanya. Marahil ay wala s’yang masyadong pinaghuhugutan dito o marahil ay masyado palang s’yang bata para sa karakter.

Lumuwag naman ang pakiramdam ko matapos mapanood ang dula. Nang makita ko ulit ang staff na hindi ko nakasundo, parang wala na ito sa akin. Hindi man ako tuluyang naantig (siguro ay dahil mahirap maabot sa aspetong emosyonal ang dilemma ng bida), nakuha naman ako r’un sa bahaging kailangang balikan ang isang bagay na dalisay upang mabigyan ng angkop na pagsisiyasat ang pangkasalukuyang sarili na nagkukumahog sa hilahil.

Saturday, June 01, 2013

The Ruth Trip

In Durbuy (129)

Exactly a week after the news that my onsite assignment will be cut short, the spring wind blew divergently and decided to keep me for another month or so. Well, as I have mentioned, it’s in the job description and that I am just a consistent, so-so foot soldier. Anyway, part of the cramming that the first announcement has brought me is a trip to visit a dear lunch mate back in Manila office named Ruth. She’s now based here in the Netherlands and it would be a pity not to pay her a visit in Eindhoven in the southern part of the country (she’s pregnant, by the way). Plus, there’s this weekend train ticket, a ride-all-you-can type that I have to use on any given weekend.

Josh, who’s also temporarily based here in Apeldoorn, joined the trip. We met up at the train station on a rainy 7am. There’s a railway repair of sort so we had to endure some extra time to reach Amersfoort by bus (particularly provided by the train company) and just transfer to another train to Utrecht from there. No roadblock whatsoever along the way other than it’s really a long trip (clocked at more than two hours). Ruth, who remains petite on her 6th month of pregnancy, welcomed us at the train station in Eindhoven. I also finally met her husband Horyin and her friend named Maricel (who was sent by her boyfriend to the station). From there and with some sandwiches and bottled water on board the car, off we went to our road trip.

We crossed the Dutch-Belgian border after an hour and some minutes. Though I realized by then that I left my passport at the hotel in Apeldoorn, and thankfully nothing crazy happened along the way, it was fun catching the border signage on camera while the car was speeding. Horyn said that we can be fined if we stop in the emergency road without a valid reason. Usually there’s a sign that bears the EU logo with Belgium (o Belgie) on it announcing that the actual border can be reached in a kilometer (enough distance to ready the gadgets). Someone joked that you can feel the difference that you’re outside the Netherlands already if the road becomes bumpy.



Our first stop is a small town that claims to be the smallest in the world. Wikipedia says otherwise but thanks to this endless dispute on how you can really measure a town (by population, by size or a combination of both?), Durbuy deserves to claim anything. In terms of small roads and turns that we took, it doesn’t seem to be easily accessible by public transport. It is indeed small and it is charming as it is. There’s a big rock formation in one end, there’s a castle in another, then some bars and restaurants, and old houses in between. The first thing that we did was to have lunch at La Brasserie Ardennaise where I had the most sumptuous pasta I have ever tasted (I believe it’s an “a la chef” dish) complimented by a not so hefty serving of a local white beer aptly called Durboyse Blonde. It’s definitely a good start. We spent another hour or two exploring the town, walking past the castle and crossing the bridge over the Ourthe River. I wanted to visit the Topiary Park but the tribe decided to skip it. That’s pretty much about it in Durbuy.



From there, we rode back heading to the direction where we came from and made a full stop at Liege, also in Belgium. Contrary to Durbuy, it’s a giant city and a very busy one. We parked right in the middle of a plaza, opposite the Galeries St. Lambert which houses some ubiquitous shops. That was around 4pm already, I believe. We took a map from the nearby tourism office after visiting a paid toilet in the mall and headed to the historic route. Since our time is limited, as Josh and I still had to go back to Apeldoorn, we didn’t linger much and just chose to conquer Montagne de Bueren which is around 15 minutes from the plaza. I wasn’t very sure why I decided to take the 406-step challenge but it was both tiring and fulfilling for someone who hasn’t done an exercise for a while. It’s quite similar to the grotto in Baguio except that there’s no religious figure whatsoever at the top. In fact, it’s a residential area for those who probably don’t need to enroll in a gym. After that, we headed back to the plaza and merited ourselves with a serving of (Belgian) waffle at Marie’s (a place we just discovered based on the suggestion of two local police officers). I got my waffle with chocolate in it and the muscle pain caused by the surprise climb suddenly disappeared.



The last leg of the road trip was spent in Geldrop back in the Netherlands, around 15 minutes short to our Eindhoven train station. A neighborhood there is a bit infamous for streets named after the characters created by JRR Tolkien. The main one is called Laan van Tolkien for the man himself. From there, you can find street names with the likes of Arwen, Galadriel, Legolas, Gandalf, Frodo and Aragorn. There’s even a primary school called De Hobbit and a cemetery can be found along Saruman St. It was slightly raining and Josh and I had to run and catch as many streets as we can. Horyn was kind enough to make a short stop if we find anything novel (pun intended). It’s usually accompanied by a review question pertaining to the Middle Earth.

At 7:30pm-ish, Josh and I had to say goodbye to Ruth and Horyn and Maricel in a spot where we all met for the first time. It was one hell of an emancipating road trip, biblical at some point, a mix of catching up, gossiping and some serious analogy of the IT business in Manila.

The rest of the Durbuy pictures can be found here, Liege here and Laan van Tolkien here.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...